DJ Loonyo, Sinagot Ang Artista At Netizen Na Nangbash Sakanya Patungkol Sa Isyu Ng Face Mask At Mass Testing
Naging trending at paksa ng pambabatikos ng mga netizen ang viral dancer na si DJ Loonyo matapos ang mga kontrobersyal nitong mga pahayag sa social media tungkol umano sa mass testing at pagsusuot ng face mask.
Umani ng mga hindi magandang reaksyon si Loonyo hindi lamang galing sa mga ordinaryong netizen kundi pati na rin sa mga artista.
Tinawag pa itong �bobo� at �tanga� ng ilan sa mga ito matapos kumalat at mapanood ang mga video clips ni Loonyo na naglalabas ng kanyang opinyon.
Dahil sa lahat ng mga inabot niyang ito, mayroon muling inilabas na mensahe si Loonyo para naman sa lahat ng mga nambatikos sa kanya.
Sa pamamagitan ng isang Facebook Live, naghayag si Loonyo ng kanyang paghingi ng tawad at saloobin matapos ang mga pambabatikos na natanggap.
�All comments, all the bash, I understand� kung saan sila nanggaling, kung saan nanggagaling ang hate na yon. Again, I apologize for what happened and I apologize for what I said�
�It�s a clear misinformation, it�s a clear� alam mo yun, nagkabuhol-buhol na train of thought.
�Hindi ako naging responsable how I shared those words, how I shared those thoughts and opinions. And I totally forgot that you�re an influencer and counted lahat ng pinagsasabi mo.
�Again, I really apologize for what happened, sobra� It was a learning experience for me,� paghingi pa ng tawad ni Loonyo.
Ayon kay Loonyo, kahit hindi naging maganda para sa kanya ang mga natanggap na bash na ang iba ay nanggaling pa umano sa mga kakilala nito, naiintindihan niya naman umano kung bakit siya nakatanggap ng naturang mga pambabatikos.
�And trust me, lahat na ng bash, lahat na ng comment, lahat na ng hate, man, never akong nag-isip ng masama, never akong nagtanim ng galit. I completely understand kung saan kayo nanggagaling�
�Even my friends in the industry, friends in the DJ industry, friends in the dance community, and some artists, I really understand kung saan kayo nanggagaling�
�Trust me, it�s hard, it�s traumatic, mapa-paralyze ka talaga,� saad pa nito.
Aniya, nirerespeto niya umano ang opinyon ng mga ito kahit natawag pa umano siyang �bobo� at �tanga�.
�You need to understand, okay, I respect the opinion coming from another people na bobo, tanga... I respect that. That�s your own opinion, that�s how you see things.
�But I�m happy and I�m blessed, and I�m grateful na hindi ako gano�n tinuruan ng nanay ko. Na� when someone makes a mistake, hindi ko sasabihan nang gano�n,� dagdag pa nito.
Ngunit, nakatanggap man ng mga masasakit na salita, ayon kay Loonyo ay hinding-hindi niya umano ito gagawin sa ibang tao. Paliwanag dito ni Loonyo,
�Never na never kong sasabihan na bobo, never na never kong sasabihan na tanga on social media.�
�Why? 'Cause I pictured out, when my kids in the future will see what I post nung sa ganito kong� at present, kung makikita anong klaseng tatay, anong klaseng tao ang tatay ko, even my family makikita nila, �Anong klaseng tao si Rhems?� Gets niyo?
�I believe hindi magiging proud yung anak, or yung magiging pamilya ko balang araw, if they see me posting, like, �Bobo naman nito,� or �Tanga naman nito. Idol, pero tanga.�
�And I don�t want my kids to grow up with that kind of attitude and personality, or culture.�
Source: PEP
No comments: