DFA Sec. Locsin, may ibinahagi tungkol sa yumaong ex- DFA chief Perfecto Yasay


Pumanaw na ang dating Foreign Secretary na si Perfecto Yasay, Biyernes, Hunyo 12.

Sa edad na 73, yumao ang ex-DFA Secretary na si Perfecto Yasay Jr. sa sakit na cancer kaugnay ng pneumonia.


Si Yasay ang kauna-unahang chief diplomat ni Pres. Rodrigo Duterte bago sya mapalitan ni Alan Peter Cayetano matapos itong hindi makalusot sa Commission on Appointments.


Samantala, si Teodoro "Teddy Boy" López Locsin Jr. naman ang humalili kay Cayetano nang tumakbo ang nasabing opisyal sa kongreso.

Sa Twitter post ni Locsin, ibinahagi nyang si Yasay ang nagrekomenda sa kanya para sa naturang posisyon.

Saad ng Filipino diplomat, "Jun Yasay has donned the garment of immortality," text said. More important it makes him finally impervious to pain. He recommended me for my UN job. He hurt no one and helped everyone he could. He did what many fighting tyranny had to: shield themselves with US law."

No comments:

Powered by Blogger.