Mag-BFF, Nagka-aminan Ng Feelings Sa Isa�t-isa Matapos Maabutan Ng Lockdown Sa Baguio
Labindalawang taon lang naman ang hinintay ni Jex Villar bago nito tuluyang maamin ang nararamdaman sa kanyang long-time crush na si Zaldy Faller.
Nang dahil sa nangyaring lockdown sa Luzon dahil sa COVID-19, mas napalapit ang loob ng dalawang matalik na magkaibigan sa isa�t-isa na nauwi pa nga sa tuluyan nilang pagkaka-aminan ng nararamdaman.
Ito ang kwento nina Jex at Zaldy na nagpakilig sa maraming Pilipino sa gitna ng kinakaharap n pandemic. Ang lockdown kasi bunsod ng COVID-19 pandemic ang naging daan upang ang dalawang magkaibigan ay tuluyang magka-ibigan.
Naabutan ng lockdown sa Baguio City sina Zaldy at Jex habang nasa isang pamamasyal. Naipit sa Baguio ang dalawa at kinailangang manatili sila roon habang pinapairal ang lockdown.
Bago pumuntang Baguio, mayroon na umano silang naririnig na mga sabi-sabi pa lamang na maaari umanong mag-lockdown sa Luzon sa susunod na mga araw. Ngunit, sa kabila nito ay itinuloy pa rin umano ng dalawa ang planong pag-akyat sa Baguio.
Sa panahon ng lockdown na nasa Baguio ang dalawa, walang ibang makapitan sina Zaldy at Jex nang mga oras na iyon kundi ang isa�t-isa. Sila lamang ang magkasama doon kaya naging sandigan nila sang isa�t-isa.
Dahil rito, mas tuluyang naging malapit ang kanilang loob at nakilala pa ng mas maigi ang bawat isa.
Aminado naman si Jex na noon paman ay mayroon na umano itong nararamdaman para kay Zaldy. Taong 2008 pa nga lang umano ay crush na niya ito.
�Naging crush ko siya since 2008. Tapos sa Baguio, pano ba�
�Kami lang eh, wala kaming ibang kausap,� kwento pa ni Jex.
Dito, hindi na napigilan pa at nagkaaminan na umano silang dalawa ng feelings.
Tanong pa nga umano ni Zaldy kay Jex, �Ano, tayo na ba?�
Hanggang sa naging sila na nga at nauwi na sa hindi lamang magkaibigan ang kanilang relasyon kundi bilang magkasintahan na.
Sa ngayon, nakabalik na umano ng Maynila ang dalawa. Sa pagbabalik nila sa Maynila, ayon kay Jex ay plano umano nila ni Zaldy na magdate nang hindi na nakasuot ng face mask.
Una umanong nagkakilala sina Jex at Zaldy sa isang airline catering company. Nang hindi na nagkita, si Zaldy umano ang gumawa ng paraan para makausap muli nito si Jex.
Buwang naman ng Marso ng muli umanong magkita ang dati ay matalik lamang na magkaibigan.
Sa kwentong ito nina Jex at Zaldy, marami ang hindi napigilang kiligin at matuwa. Heto pa nga ang ilan sa mga pahayag ng mga netizen tungkol sa kwento nina Jex at Zaldy,
�Itong ang tunay na "WE FOUND LOVE IN A HOPELESS PLACE" �yung wala talaga kayong maaasahan kundi ang isa't isa.
�Ibang level na ito. Congratulations to both of you Zaldy and Jex. God Bless the two of you...wheeeww! Grabeh ang tagal na pero and spark andoon pa din.�
�SANA ALL MAIPIT SA LOCKDOWN HEHE� CONGRATS TO THE BOTH OF YOU�
�It's so great, and amazing love story� Love comes in mysterious ways, so wonderful� And it must be obeyed because destiny wanted, you�re really meant to each other maybe you are in same chemistry� Naks nman, nakakarelate ako ahhh, kilig to the bone hahaha... CONGRATS guys!!!�
Panoorin ang buong video dito!
No comments: