Coco Martin, Tatakbo Umano Bilang Senador Sa Susunod Na Eleksyon
Kamakailan lang, mayrong bali-balita na susunod umano ang aktor na si Coco Martin sa yapak ng kapwa rin nito Action Star na si Lito Lapid.
Gaya ni Lapid, mayroon na rin umanong plano si Coco na pumasok sa pulitika. Plano umano nitong sumabak sa pagka-senador.
Ayon sa isang ulat, komunsulta umano ang bida ng FPJ�s Ang Probinsyano kay Lapid tungkol sa posibleng pagsabak ni Coco sa eleksyon sa 2022.
Sa naturang ulat, inihayag umano ni Coco na interesado sana itong tumakbo bilang Mayor. Ngunit, iba umano ang naging payo ni Lapid dito.
Si Lapid ay kasalukuyang isa sa mga inihalal na senador ng bansa.
Saad umano ni Lapid kay Coco, mas mabuti umano kung tumakbo nalang ito sa pagkasenador.
Kung bakit? Ayon kay Lapid ay dahil mas madali umano ang trabaho ng isang senador. Saad pa umano nito kay Coco,
�Mas madali ang trabaho ng senador.�
Sa post na ibinahagi ng page na �Senate of the Philippines� sa Facebook, makikita ang isang larawan ng pagbisita nga ni Coco kay Lapid.
��CARDO� VISITS �ANG PINUNO�: Movie and television actor Coco Martin pays Sen. Lito Lapid a visit at the Senate Tuesday, June 9, 2020.
�Coco reprised Ricardo Dalisay, the late Fernando Poe Jr.�s character in the 1997 movie �Ang Probinsyano,� a long-running teleserye before the lockdown due to COVID-19 pandemic, while Lapid played the character of �Ang Pinuno" in the TV series.
�It was the first time Coco visited Lapid in the Senate after he won the 2019 senatorial elections,� saad pa sa naturang Facebook post.
Dahil parehong Action Star, matagal na nagkasama sina Lapid at Coco sa sikat na
programa ng aktor na FPJ�s Ang Probinsyano.
Bago pa tumakbo sa pagka-senador si Lapid ay nagkasama muna sila ni Coco. Dito marahil ay mas lumalim ang pagkakaibigan ng dalawa.
Ayon naman umano sa inilabas ng kolum ng Manila Economic and Cutural Office Chairman na si Lito Banayo, ang planong pagpasok ni Coco sa pulitika ay may kinalaman sa hindi ngayon magandang sitwasyon ng kinabibilangan nitong TV network.
Ito umano ang naisip na alternatibong karera ng aktor sa wala ngayon nitong kasiguraduhang kapalaran dahil sa mga hinaharap ng ABS-CBN.
�A little birdie close to the superhero of telenovelas and nemesis of Solgen Joe Calida told me that Martin (Nacianceno in real life), had already discussed his non-cinematic future, that is, politics, with his �pinuno� at the time his socmed defense of his �kapamilya� network was raging,� saad pa umano ni Banayo.
Gayunpaman, walang inilalabas na pahayag si Coco tungkol sa balitang ito. Sa ngayon, wala pa itong pormal na pahayag na isiniwalat tungkol sa posible nitong pagpasok sa pulitika at pagtakbo bilang senador ng bansa.
Si Lapid ay hindi lamang ang tanging Action Star na pumasok sa pulitika. Si Da King FPJ o Fernando Poe, Jr. mismo ay sumabak din sa pulitika at minsang tumakbo bilang Presidente noong 2004.
Source: tatakpinoyph
No comments: