Willie Revillame, Aksidenteng Nalaglag Sa Upuan Habang Ume-ere Ang Wowowin


Sa programa ni Willie Revillame na Wowowin nitong Miyerkules, ika-17 ng Hunyo, hindi sinasadyang nalaglag ang sikat na host sa upuan nito.

Panauhin noon ni Willie ang Kapuso actress at singer na rin ngayon na si Bianca Umali.

Matapos na magpaunlak ng isang awitin si Bianca, sinalubong ito ni Willie at Donito Nose bago tuluyang maupo.

Ngunit, habang nagsasalita at kinakausap ni Willie ang panauhin ay hindi nito naayos ang upuan kaya ito nalaglag.

Hindi tuluyang nakaupo si Willie sa upuan at nalaglag na lamang dahil gumulong sa likod ang upuan nito.

Gulat naman sina Bianca at Donita Nose sa pangyayaring ito at napatayo pa dahil sa biglaang pangyayari.


Mabuti na lamang at mabilis naman na nakapag-reak ang host. Bago pa man matulungan ay agad-agad na tumayo ito mula sa aksidenteng pagkakalaglag.

Bago ito mangyari, panay ang papuri ni Willie sa naging pagkanta ni Bianca.

�Wow ha! Parang ang galing galing niya ngayon. Grabe ang husay� live ba �yun?

�Is that your single?,� tanong pa ni Willie kay Bianca.

Hindi naman na natapos pa ni Bianca ang sagot sa tanong ni Willie dahil maging ito ay nagulat sa biglaang pagkalaglag ng host sa upuan.

Natawa na lamang si Wilie sa nangyaring ito sa kanya. Ani niya pa,

�Joke lang �yun!

�Patawa lang �yun. Alam mo naman ako eh, si Tintoy ako eh,� saad pa nito habang tumatawa.


Bagama�t nagulat, natawa na lang din sina Bianca at Donita Rose sa nangyari.

�Natawa ka ba dun? Syempre bago �yun, eh,� natatawa pa uling saad ni Willie sa kanyang panauhin na si Bianca.

�Bagong luma! Hello palitan niyo �to bukas, bwesit kayo,� dagdag pa ulit ng komedyanteng host.

Katwiran pa ni Willie, madulas umano kasi ang pantalon niya kaya ito nahulog sa upuan.

Matapos ang kaunti pang tawanan, ipinagpatuloy na rin nina Willie ang panayam ka Bianca.

Ang nasabing pangyayari na ito ay labis naman na nakapagpatawa sa mga manonood. Maging ang mga ito ay nagulat din umano sa pagkahulog ni Willie sa upuan.

Kaugnay ng tanong nito bago ang kanyang pagkahulog sa upuan, tinanong ni Willie si Bianca tungkol sa awitin na kinanta nito sa programa.

Napahanga umano ang mga ito sa kanta ni Bianca na may pamagat na �Kahit Kailan.�

Maliban dito, napag-usapan din sa programa ang tungkol sa personal na buhay ng dalaga.


Ikinwento niya kung paanong wala na itong mga magulang at tanging mga lola na lamang nito ang nagpalaki sa kanya.

Hindi naman naiwasan na maging emosyonal ni Bianca sa paksang ito.

Sa naturang panayam, ibinahagi rin ni Bianca ang pangarap niya umano na makapagpatayo ng bahay para sa kanyang mga lola.

Hindi rin naiwasan na pag-usapan nina Willie ang tungkol sa espesyal na tao umano sa buhay ni Bianca.

Hindi man direktang pinangalanan, ang tinutukoy umanong espesyal na kaibigan na ito ni Bianca ay ang Kapuso actor na si Ruru Madrid.

Saad pa ng aktres, masayang masaya umano ito ngayon sa takbo ng relasyon nila ng kanyang espesyal na kaibigan.

Panoorin ang buong video dito!

No comments:

Powered by Blogger.