John Lloyd Cruz, Mayroon Na Nga Bang Bagong Babae Sa Buhay Nito?
Usap-usapan ngayon sa social media ang babaeng ito na madalas umano ay kasama ng aktor na si John Lloyd Cruz sa mga kumakalat nitong larawan.
Ito na nga ba ang bagong babae na may hawak sa puso ng aktor?
Mahigit ang isang taon matapos ang umano�y hiwalayan nina John Lloyd at Ellen Adarna, nakatagpo na raw ng bagong babaeng mamahalin ang aktor.
Ito ang usap-usapan matapos ilang beses umano na nakasama ng aktor ang isang Cebuana na kagaya ng aktor ay mahilig din umano sa mga motor.
Ito ay ang isang Jet Lee na madalas ay kasama umano ni John Lloyd sa mga larawan.
Kilala umano ang Cebuana sa social media dahil sa hilig at pagmamahal nito sa motor.
Sa mga larawan na magkasama ang dalawa, madalas ay nakasakay ang mga ito sa motor.
Dahil napapadalas umano na magkasama sina Jet Lee at John Lloyd, hinala ng mga netizen ay ito na umano ang bagong girlfriend ng aktor.
Sa mga larawan ng mga ito, mahahalata umano na komportable at masaya na magkasama ang dalawa. Dahilan upang maghinala ang marami sa social media na mayroong namamagitan kay John Lloyd at sa babaeng ito.
Marami naman ang natuwa sa posibilidad na ito dahil kahit paano ay nakikita umano nilang masaya ngayon ang aktor.
Positibo naman ang naging reaksyon ng ilang mga tagasuporta ni John Lloyd sa hinihinalang relasyon nito sa naturang Jet Lee. Masaya umano ang mga ito sa aktor basta�t nakikita nilang masaya rin ito.
Ngunit, sa ngayon ay wala pang anumang komento o kompirmasyon ang aktor tungkol sa estado ng buhay pag-ibig nito o sa totoong relasyon nito kay Jet Lee.
Kasalukuyang nasa Cebu umano ngayon nakatira si John Lloyd. Ang dati nitong girlfriend na si Ellen Adarna ay taga-Cebu.
Dalawang taon tumagal ang relasyon ni Ellen at John Lloyd bago tuluyang naghiwalay.
Hindi naman isinapubliko ng dalawa ang dahilan ng kanilang hiwalayan. Nang minsang tanungin, hindi rin direktang sinagot ni Ellen ang tungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Bagama�t hiwalay na, nagkakasundo ang dalawa para sa pagiging magulang nila sa kanilang anak na si Elias Modesto.
Minsan nang sinabi ni Ellen na dalawang beses sa isang linggo ay nananatili umano ang kanilang anak kay John Lloyd.
Ito umano ang dahilan kung bakit naroon ngayon sa Cebu ang aktor.
Ingat pareho sina Ellen at John Lloyd sa kanilang anak at hindi pa nila ito pormal na ipinakikilala sa publiko.
Mahigit dalawang taon na rin ang lumipas mula nang pansamantalang iwan ni John Lloyd ang industriya, pati na rin si Ellen.
Isa ito sa maituturing na pinakamagaling na aktor sa ilang taon kaya naman, ikinagulat at ikinalungkot ng marami ang biglaang pananahimik at paglisan nito sa showbiz.
Hindi gaya ni John Lloyd, si Ellen ay masaya na ngayon sa bago nitong pag-ibig na isang Spanish Football player.
Minsan nang kinumpirma ng aktres na nasa isang long-distance relationship ito ngayon sa Spanish National na si Carlos Lemus.
Source: philip.nhatkimanh
No comments: