Larawan Ng Nanay Na Binilhan Ng Cellphone Ang Apo, Nagpaantig Sa Mga Netizen!


Trending ngayon sa Facebook ang larawang ito ng isang nanay na binilhan ng bagong cellphone ang kanyang apo na tuwang-tuwa dahil dito.

Naantig ang puso ng maraming mga netizen dahil sa larawang ito ng dalawa na nakaupo sa tapat ng isang mall.

Kitang-kita rito ang kasiyahan ng bata sa bago nitong cellphone at ang tuwa rin ng nanay dahil sa nabili nitong cellphone para sa apo.

Ang mga larawang ito ay ibinahagi sa Facebook ng isang Mico Tan.

Ayon sa kanya, nakunan niya umano ang simple ngunit nakakaantig na pangyayaring ito sa tapat ng isang mall sa Muntinlupa City.

�Kanina nasa sm munti ako nag aabang ng order. Tapos nakita ko sila, binilihan ni nanay yung anak nya ng cellphone. Tuwang tuwa yung bata e. Napaka simple lang. Ready for online class na sya hehehe. A mother's love,� saad ni Tan sa kanyang Facebook post.


Agad na umani ng maraming reaksyon at naging trending ang post na ito ni Tan sa Facebook.

Sa kasalukuyan, mayroon lang naman itong mahigit sa 168 000 na reaksyon at shares na nasa mahigit 112 000.

Komento ng ilan, ang naturang cellphone ay baka raw kailangan ng bata sa pag-aaral nito na gagawin na online.

Kaya naman, marami ang natuwa dahil umano sa ginawang ito ni nanay na labis namang nagbigay ng tuwa sa kanyang apo.

Ani pa ng iba, sana raw ay mag-aral ng mabuti ang bata dahil pinaghirapan ng lola nito ang pera na ipinambili nito ng cellphone para sa kanya.

Ngunit, marami rin ang nalungkot umano sa naturang larawan kung saan, pinag-ipunan ng naturang nanay ang naturang cellphone dahil kailangan ng apo para sa pag-aaral online.

Kahit na mahirap ang buhay para sa kanila ay gumawa ito ng paraan kahit sa kaunti umano nitong kinikita upang mabigyan lamang ng maayos na edukasyon ang apo.


Ayon sa isang komento, tagpi-tagpi lamang umano ang bahay ng lola at apo nito na nasa larawan at pagtitinda lamang umano ng gabi ang kanilang ikinabubuhay.

Malaki na umano ang Php 300 daan na kita ni lola sa isang araw ngunit, pinilit pa rin nitong makaipon ng Php 2 500 upang mabili ang pangarap na cellphone ng kanyang apo.

Ang Facebook post na ito ni Tan ay inulan ng maraming komento na karamihan ay tungkol sa pagkaantig ng kanilang puso sa naturang larawan.

Heto pa ang ilan sa mga komentong iniwan sa naturang post:

�God bless to the both of you. Iho sana�y magpatuloy ka sa pagiging isang mabuting anak sa inay mo dahil alam mo naman kung gaano ka niya ka mahal��

�Sana naman mag aral ng mabuti.�


�DepEd really sucks all the way.�

�Yung ngiti ni nanay.�

�Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, o masasaktan. Parang mas mabigat yung sakit.�

�Sana naman maisip nila na madaming teacher at istudyante din ang hndi makaafford ng mga pang online class eme Tsk tsk kung millionario ako lahat ng nangangailangan ng tulong maliit man or what si Lord na ang bahala na iguide ako para matulungan sila ng naaayon at tama�

No comments:

Powered by Blogger.