Xander Ford, Ipina-Tulfo Ng Dating Girlfriend Nito;Idol Raffy, hinahanap si Marlou!
Tuluyan na ngang nagsumbong kay Raffy Tulfo si Ysah Cabrejas, ang dating girlfriend ni Marlou Arizala aka Xander Ford.
Ito ay matapos ang isiniwalat ni Cabrejas na pisikal na pananakit ni Marlou sa kanya at pamimilit umano nito na may mangyari sa kanila.
�Ako po si Ysah Cabrejas. Inirereklamo ko po ang aking ex-boyfriend na si Marlou Arizala aka Xander Ford, sa pananakit niya po sa akin dahil hindi po ako pumayag na makipagtalik sa kanya.
�Humihingi po ako ng tulong para makamit ko po ang hustisya,� saad pa ni Cabrejas sa pagdulog nito sa programa ni Tulfo.
Sa programa, sinubukang kunan ng pahayag si Marlou upang marinig din ang panig nito. Ngunit, nagpatay na umano ito ng telepono at hindi nagpaunlak sa naturang panayam.
Ayon kay Cabrejas, tatlong buwan pa lamang umano silang magkarelasyon ni Marlou.
Ngunit, dati na umano silang nagkaroon ng relasyon noong taong 2015. Kamakailan lamang naganap ang kanilang pagbabalikan.
Dahil sa mga isinumbong ni Cabrejas na mga pang-aabuso sa kanya ni Marlou, hindi naiwasang itanong sa kanya ni Tulfo kung bakit niya pa raw ito binalikan.
�Eh bakit mo pa binalikan �tong ulupong na �to?,� diretsahan pang tanong ni Tulfo.
Ayon kay Cabrejas, nangyari umano ang isinusumbong nito na pananakit sa kanya nito lamang ika-13 ng Hunyo. Dagdag pa ni Cabrejas, lasing umano si Marlou nang nanakit ito sa kanya.
�Madaling araw po �yon tas lasing po siya. Natutulog po ako nun. Tapos iyon po. Dun na po siya parang� pumunta po siya sa akin tapos pinilit niya po ako�
�Tumakbo po akon nun tas hinabol niya po ako,� pagkukuwento pa ni Cabrejas.
Hindi naman umano nangyari ang gusto ni Marlou nang panahong iyon. Ngunit, ayon pa mismo kay Tulfo, ang nangyari ay isa pa rin umanong kaso ng attempted rape.
Kaya umano ito nagawa ni Marlou ay dahil gusto na raw nitong magbuntis si Cabrejas. Ngunit, ayaw itong mangyari ni Cabrejas dahil hindi pa umano ito handa.
Nang marinig naman ni Tulfo ang ilan pa sa mga ginawang pang-aabuso umano ni Marlou kay Cabrejas sa parehong physical at verbal abuse, hindi na nito napigilan pang tawagin sa hindi magandang salita si Marlou.
�Ano ito? Manyak?,� prangkang saad pa ni Tulfo.
Depensa umano ni Marlou sa mga ginawa lalo na ang pagpilit kay Cabrejas na makipagtalik, mag-boyfriend-girlfriend naman umano sila kaya ayos lamang umano ang kanilang gagawin.
Ngunit, iginiit ni Tulfo na basta�t ayaw ng isa ay mayroon itong karapatang tumanggi at kalaunan ay magreklamo.
Mayroon umanong kalalagyan ang mga taong ito.
�Sana po, wag niya na po ako baliktarin sa mga tao, tsaka magsabi na rin po siya ng totoo. Kasi, puro kasinungalingan po �yung sinasabi niya�
�Sabi niya po, ako naman daw po �yung may gawa daw po ng mga pasa ko� ako daw po �yun. Tapos, hindi naman daw po totoo na� iyong ginawa niya po,� mensahe pa umano ni Cabrejas para kay Marlou.
Sa naturang episode ng programa ni Tulfo, hindi nakuha ang panig ni Marlou ngunit, nanonood umano ito.
Tinulungan ni Tulfo si Cabrejas upang mabigyan ng karampatang aksyon ang ginawang ito sa kanya ng dating nobyo. Ipinag-utos din ni Tulfo na bigyan ng karagdagang proteksyon si Cabrejas para sa kapakanan nito habang umuusad pa ang reklamo.
Hindi naman maawat ang mga komento ng maraming netizen sa episode na ito. Bumaha lang naman ang mga komento ng mga galit na netizen sa ginawang ito ni Marlou.
Panoorin ang buong video dito!
No comments: