Marlo Mortel, Naglabas Ng Saloobin Tungkol Sa Pagkakatalo Niya Noon Sa �Tawag ng Tanghalan�
Matapos maglabas ng vlog si Marlo Mortel na mayroong tungkol sa pinagdaanan niya sa �Tawag ng Tanghalan�, isang panayam ang pinaunlakan ng singer at aktor na pinag-usapan din ang tungkol dito.
Sa interview kay Marlo sa PEP.ph kung saan kinapanayam siya ni Jimpy Anarcon, lubos na napag-usapan ang saloobin ni Marlo tungkol sa pagkakaroon nito dati ng mababang marka at maagang pagka-eliminate sa �Tawag ng Tanghalan - All Star Grand Resbak�.
Ayon kay Marlo, aminado ito na nasaktan at nagalit sa naging kapalaran niya sa naturang kompetisyon.
Sa pagsali niya umano sa TNT, alam niya umanong may mali sa naging resulta nito na nagresulta sa kanyang pagkatalo.
�During that time, I deserved it. And a lot of people saw that. Hindi lang naman ako, eh,� pahayag pa ni Marlo.
Hindi umano madali sa kanya ang ginawa niyang paglalabas ng saloobin sa kanyang vlog ngunit, nais lamang umano ni Marlo na magpakatotoo.
�I�m not asking for sympathy and all. It�s just that�
�I�m tired. I�m tired playing the nice guy dito sa showbiz,� ani pa nito.
Bagama�t natatalo umano siya sa ilang mga kompetisyon na sinalihan niya dati, ginagawa niya pa rin umano ito dahil mayroon siyang pangarap lalo na sa mga singing competition.
Kaya naman, kagaya ng iba na nakapanood din sa naging pagsali niya sa TNT, hindi nito maitatanggi ang pagkadismaya sa kanyang pagkatalo.
�Kung sabihin man ng ibang tao na dapat mag-move on nalang ako kasi tapos na� hindi eh kasi, nakadagdag �yun sa pagbaba ng self-confidence ko as a singer.
�Kasi sige e-reject mo na ako pagdating sa acting, pagdating sa hosting. Tatanggapin ko kasi alam ko madami akong pagkukulang.
�But, as a singer? I�ve been trying� so hard. And I know that I�ve improved. Pero hindi pa din makita �yung results na dapat sa pinakita ko,� pagsisiwalat pa ni Marlo.
Sa naturang kompetisyon, nagkaroon nang markang 90% at 88.4% si Marlo sa dalawang pagkanta nito. Ngunit, ang kombinasyon ng mga marka niyang ito ang pinakamababa kaya ito na-eliminate.
�Ang hindi ko lang matanggap �yung score. �Yun lang. Kung natalo ako, okay lang kasi magaling din naman sila. Hindi ko matanggap �yung 88 for that performance,� paglilinaw pa ni Marlo.
Hindi niya umano maintindihan kung bakit ganoon at kung bakit palagi nalang ganoon.
�I appreciate everything pero ganun nalang ba lagi? Na �pag dapat, deserve mo, hanggang ganoon nalang lagi na� �ano eh, next time nalang, bawi ka nalang ulit� or �magaling ka naman talaga, hindi lang��
�Ah! Hindi na. Hindi na ako tatanggap ng ganoon ulit,� saad pa nito.
Kaya naman, sa kanyang pagpapakatotoo, ani ni Marlo,
�Wala nang makakatapak sa akin ng ganoon ulit��
Bagama�t nagpapasalamat siya sa mga naka-appreciate at patuloy na sumusuporta sa kanya, nais niya lang naman umano na malaman ang dahilan kung bakit ganoon ang ibinigay na marka sa kanya dahil hindi niya umano maintindihan.
�It�s so frustrating to get another defeat like that,� ani pa ni Marlo.
Panoorin ng buong video dito!
No comments: