Tiktok Video Ni Dating Senador Juan Ponce Enrile Kasama Ang Mga Dinosaur, Trending Sa Social Media!


Madalas na ginagawang meme at katuwaan ng mga netizen si dating Senador Juan Ponce Enrile dahil sa nakakabilib nitong edad.

Kadalasan nga ay trending pa ang mga memes na ito at walan duda na bentang-benta sa mga netizens.

Madalas na biro sa social media ang umano�y pagiging imortal umano ni Enrile dahil sa haba ng buhay nito.

Hindi nawawalang paksa sa mga meme ang edad ni Enrile na biro pa nga ng iba, kahit panahon umano ng mga dinosaur ay naabutan nito.

Madalas din na ini-edit ang mukha nito sa mga larawan na nakunan ilang taon na ang nakakalipas.

Ngunit, sa pinakabagong video na makikita si Enrile, mukhang ito rin ay nakikisabay sa mga biro sa kanya ng nga netizen.


Sa Tiktok video na ibinahagi ng apo nito na si Kris Ponce- Enrile, makikita ang dating senador na magiliw na nakikipaglaro sa umano�y mga �dinosaur�!

Aliw-aliw pa dito sa Enrile at nakipag-apir pa sa isa sa mga dinosaur sa video.

�Y�all were looking for Browny so here we are,� caption pa ni Kris Ponce-Enrile sa naturang video.

Gaya ng inaasahan, naging patok sa mga netizen ang pakikisabay na ito ng dating senador sa mga kumakalat na memes tungkol sa kanyang edad.

Dito, ang 96 taong gulang na si Enrile ay magiliw na sumasayaw at umano�y aliw na aliw kasama ang mga alaga at kaibigan niyang dinosaur.

Nakadagdag pa upang pumatok ang naturang video ay ang ginamit na background music dito. Theme song lang naman kasi ng pelikulang Jurassic Park ang ginamit para sa Tiktik video na ito.


Hindi na kailangang e-edit pa ang mukha ni Enrile sa mga larawan dahil heto ito ngayon at nakikisayaw pa sa mga �kaibigan� umano nitong dinosaur.

Sa nakakaaliw na video na ito ni Enrile, marami ang natuwa dahil sa kakulitan umano ng senator kahit sa edad nito.

Gaya ng katuwaang naidudulot ng nagkalat na mga memes tungkol kay Enrile at sa haba ng buhay niti, ang video na ito ay nakapaghatid din na kaparehong katuwaan.

Heto nga ang ilan sa mga komentong ibinahagi sa trending Tiktok video na ito ng dating mambabatas.

�Hope you live longer than the dinosaurs before, Apo JPE.�

�I love this! Hahaha it�s too funny.�

�Happy to see you po senator! Stay safe po,�

�Haha! Super cute! Tama ka, nakaka-good vibes! Thanks Sen. JPE for being such a good sport!�

�This video should be entitled: JPE in his Elements.... or Jurassic Garden the Undying Juanponcesaurus.�


Hindi maitataanggi na malaking katuwaan ang naihatid ng mga memes na nagkalat tungkol kay Enrile at sa edad nito.

Kahit sinuman ay siguradong nakakita na sa mga ito sa social media kahit isang beses lamang at walang duda na natawa.

Sa Tiktok video na ito ni Enrile, isang katuwaan at saya na naman ang inihatid nito sa mga tao. Kahit papaano, sa gitna ng krisis ay mayroong nakapagpangiti sa maraming nakakita na ng video na ito.

Panoorin ang buong video dito!




@krisponcenrile y�all were looking for browny so here we are. ##jpe ##enrile ##tiktokph ##familytime
? Welcome to Jurassic Park - philwgreen


No comments:

Powered by Blogger.