�Yuck!' Ang Sagot Ng Isang Aktres Matapos Tinanong Siya Kung Sakaling Manligaw Umano Sa Kanya Si DJ Loonyo


Gaya ng mga nauna nitong prangka at direktang pahayag patungkol sa mga inilabas na opinyon ni DJ Loonyo tungkol umano sa pagsusuot ng face mask, makatotohanan ding sinagot ni Lauren Young ang iba pang mga tanong na ibinabato sa kanya ng mga netizen.

Isa na sa mga tanong na ito ay patungkol pa rin sa kay DJ Loonyo.

Ayon sa isang netizen, mayroon ba umanong pag-asa kay Lauren si Loonyo kapag nanligaw ito sa kanya.

�Paano pag niligawan ka nya.?? May pag asa ba.?? Asking for a friend,� tanong pa ng naturang netizen.

Wala namang pag-aalinlangan na sinagot ng aktres ang tanong na ito sa kanya.

Sa isang salita lamang, sagot dito ni Lauren,

�Yuck�


Bentang benta naman sa mga netizen ang matapang at prangkang sagot na ito ng Kapuso actress.

Kaya naman, muli na naman itong naging trending sa social media.

Una nang naglabas ng opinyon si Lauren tungkol kay Loonyo nang maglabas ng pahayag ang huli tungkol sa pagsusuot ng face mask.

Saad kasi ni Loonyo tungkol dito, sa tagal na umano ng pagsusuot ng face mask,

�parang ini-inhale mo na yung sarili mong utot!�

Kaya naman, gaya ng ibang mga netizen, hindi na rin napigilan pa ni Lauren na maglabas ng opinyon tungkol sa pahayag ng viral dancer.

Ayon pa nga sa viral na tweet ni Lauren tungkol kay Loonyo,


�Omg i just saw this!! Ang bobo shet ang bobo. Flatearther ka rin ba koyah??�

Hindi pa nga nagpatinag si Lauren at sinundan pa ang naturang pahayag.

�I feel like in the case of Loonyo he really just wants to sound smart but lacks the patience to sit, read and understand. Gusto lang magkaroon ng opinion for the sake of it?

�Mapakita lang yung bigdickenergy. Like LOOK AT ME IM SMART,� ang dagdag pa ni Lauren sa prangka nitong pahayag.

Naging dahilan naman ang mga pahayag na ito ng aktres upang ulanin siya ng mga pambabatikos galing sa mga tagasuporta ni Loonyo.

Ngunit, mas humanga pa ang mga netizen sa aktres nang hindi niya rin inurungan ang mga ito.

Pinanindigan niya ang kanyang naging prangkang mga pahayag at hindi nagpatinag sa mga basher.

Imbes na maapektuhan ay mukhang mas inasar pa nga ni Lauren ang mga nambabash sa kanya sa pagsagot sa mga pambabatikos na mga ito sa kanya.

Inatake ng mga ito sa Lauren at nagbato ng iba�t-ibang mga pambabatikos dito tulad ng katabaan at pagiging artista nito. Sagot naman ni Lauren sa mga ito,


�Oo mataba ako! Ano ngayon???

�Did I make statements that could possibly influence my followers to think the wrong way because I had incorrect information while oozing with confidence? NO. Tse. Kainin ko kayo eh.

�Body shaming is so 2019. Read a fucking book and grow up people.

��Laos ka naman�

�HINDI KO PO GUSTO SUMIKAT. I act because it pays my bills not because I crave for your fucking approval.

�Artista ka pa naman�

�So magbabait baitan ako? Wala akong opinyon dapat?

��Di ka jojowain niyan�

�THANK GOD!!! Porket babae ako crush ko siya? ASA KAYO.�

Source: KAMI

No comments:

Powered by Blogger.