Alex Gonzaga At �Catriona� Singer, Nagkaroon Ng Mainit Na Sagutan Sa Twitter

Trending nitong nakaraang araw ang artista at social media star na si Alex Gonzaga at ang singer ng kantang �Catriona� na si Matthaois.

Nagsimula ito nang mag-tweet si Matthaios ng animo�y may pambabatikos kay Alex tungkol umano sa kanta nitong �Amfee�.

�Ewan ko na lang ah, pero I just heard yung song na �AMFEE� and I think she was facing the mirror nung kinakanta niya �yon. Lol, jk!� saad ni Matthaois sa kanyang tweet.

Ang niyang tweet ito ay nakakuha naman sa maraming atensyon ng mga netizen.

Samu�t-sari ang naging sagot sa kanya ng mga netizen na karamihan ay pambabatikos dahil sa naging pahayag umano nito kay Alex.


Ang tweet na ito ni Matthaois ay nakaabot na rin kay Alex kaya naman, matapos ang ilang sandali ay mayroong sagot na inihayag si Alex tungkol dito.

Sa pamamagitan ng isang rap, saad ni Alex,

�Ugh! Ako si Alex G, the best sa country. Di ako nagpe-pretend �coz I�m the real, freakin� deal. May mga pa-conyo. Yes sir, yes sir. Oy! Matthaios wag ako. Talo ng jeje ang conyo,�

Hindi pa dito natapos ang lahat dahil sumagot pa ulit si Matthaois sa naging banat na ito ni Alex.

�Hold up! Wait sino ka nga ba ulit? Eh yung Chambe mo nga 'di naman malupit. Bakit nga ba sa tingin mo ay ikaw ay mas angat? Eh sa vlog ka lang naman talaga sikat�

�So girl, just sit down and put on your make up cause shady said who�s the real artist, please stand up. Beh!,� pa-rap ulit na sagot ni Matthaois.


Hindi rin tinigilan ni Alex si Matthaios sa naging banat niyang ito sa kanya. Ayon pa nga kay Alex, ayaw niya na umano sanang pumatol pero�

�Ikaw ngang bata ka makinig ka. Una sa lahat sa nagawa mo na kanta, ikaw ba ay nagbayad na kay Catriona? Ikaw kasi gumamit sa sikat ika'y sumabit�
�Ang tawag nga sayo Mr. Universe na pangit, at least ako sa "Chambe" alam nito ni Sevie. Approved pa nga ni Toni�

�Kamag-anak e. BREAK IT DOWN YOW.�

Sa nangyaring sagutang ito ng dalawa, marami ang hindi nagustuhan at binatikos si Matthaois sa naging pagkutya niya umano sa kanta ni Alex.

Si Matthaois ay unang napansin nang sumikat ang kanta nitong �Catriona� na isang empowerment para sa mga kababaihan.

Ngunit, sa ginawa niya umanong ito na isang pambu-bully kay Alex, marami ang nainis sa kanya at kinwestyon ang pagiging totoo nito sa minsan na nitong pagsulong ng �women empowerment�.

Saad pa nga sa isang sikat na tweet tungkol sa nangyaring sagutan,

�Matthaios is the best example of someone who faked his way to popularity (he's not even that famous) by using his platforms about woman empowerment yet dragging a woman who's just doing her craft. Yuck! Alex G just ended your career boo.�



Maling tao umano ang binangga ng �Catriona� singer at mas ibinaba lamang umano nito ang sarili.

�Isn't it ironic how this not so famous Matthaios promote women empowerment with his not so good song Catriona but initiated bullying Alex G. The audacity. This boy needs to be cancelled. Buti nalang iniiskip ko mga songs mo on Spotify,� dagdag pa ng isang netizen.

Gayunpaman, sa panibagong tweet ni Alex, ayon sa kanya�

�Guys relax tayo! Nag-usap na kami. Chill na tayo abangan nyo nalang susunod na mangyayari hehehe please no hate just LOVE!!!�


No comments:

Powered by Blogger.