Dahil walang makain at ayuda, 2 OFW sa Riyadh nakuhanang namumulot ng pagkain sa basura



Larawan mula sa Facebook video 


Nagviral ang video ng dalawang Overseas Filipino Worker (OFW) na nakuhanang namumulot na lang ng makakain mula sa basurahan para pantawid gutom dahil sa COVID-19.

Ayon sa binahaging video ni Cristop Gomez, awang awa umano siya sa buhay ng kanyang kapatid sa Riyadh kaya niya na share ang video na ito.


Isang beses pa lang daw nabigyan ng ayuda ang kapatid ni Cristop sa Saudi simula nang magsimula ang lockdown.

Nanawagan ng tulong si Cristop para sa kanyang kapatid at sa kasamahan nito dahil wala na silang makain na nag udyok sa kanila para mamulot ng pagkain sa basurahan.

"pls pshare po na sana matulungan po sila pati mga ksma nya nasa riyadh saudi arabia po sila at isa po jan yung brother ko sila po yung simula nag lockdown sa saudi isang beses lng sila nbigyan ng ayuda at hanggang ngyon wala na sila makain makikita po sa video na halos namumulot nalang sila nag pag kain sa basura para lng makaraos sa araw araw pls p share po para ma2lungan po sila lahat naiiyak ako habang pinapanuod ko ito na yung kapatid ko ganyan nanyayari sana matulungan po cla ng atin gov dito sa pinas maraming salamat po pshare po " ayon sa caption ni Cristop

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 1.6 million ang views ng video ni Cristop at 64k na shares sa Facebook.

Sa hiwalay na post ni Cristop noong June 11, sinabi niyang marami ang nagpaabot ng tulong sa kanyang kapatid at kasamahan nito sa Saudi.

Taos puso rin ang kanyang pasasalamat kay Erwin Tulfo na gumawa ng paraan upang maipabot agad ang tulong sa mga naturang OFW.

"sa mga tumulong po sa kapatid ko at sa mga kasama po nila sa saudi labis labis po ang pasasalamat ko po sa inyo hnd ko na po kayo maisa isa kc po sa dami nyo po tlga at dun po sa mga hndi ko po narereplyan maraming salamat po tlaga kung wala po kau baka ano na nanyari sa knla at ng dahil po sa inyo nakarating na po ito kay boss erwin tulfo na ngawaan na po agad ng action c god na po ang bahala po sa mga katulad nyo na may mabubuting puso mag iingat po kayo palagi" ani Cristop


At sa pinaka huling post ni Cristop, sinabi niyang hanggang ngayon ay bumabaha ng tulong para sa kanyang kapatid at iba pang OFW. 

"simula po ng pinost ko yung video ng kapatid ko at hanggang ngyon sobra nag papasalamat po aq sa lahat po ng tumutulong at nag bibigay p din po ng tulong hangang ngyon sobrang maraming salamat po lagi po kau mag iingat c god na po ang bahala po sa mga katulad nyo po na may mabubuting puso sobrang maraming salamat po sa inyo lahat" ayon kay Cristop

No comments:

Powered by Blogger.