Video Ng Mga Trabahante Sa Isang Delivery Service Company Na Naghahagis Ng Mga packages, Trending Sa Social Media!
Kumakalat ngayon sa social media ang isang video na labis na ikinagalit at ikinadismaya ng mga netizens lalo na ang mga mahilig um-order online.
Nagtataka ka rin ba kung bakit madalas ay sira nang dumarating sa iyo ang mga package na ino-order mo online? Kung ganoon, mukhang ang laman ng video na ito ang may sagot sa iyong katanungan.
Sa naturang video, makikita lang naman ang mahigit sa limang trabahante ng isang delivery service company na basta-basta na lamang inihahagis ang mga package o parcel na idedeliver.
Makikita rito na nagkakasayahan pa ang naturang mga trabahante habang basta-basta lamang na ibinabato ang mga idedeliver na mga parcel sa loob ng isang van.
Madalas na suliranin ng mga mahilig umorder ng mga gamit online ay ang pagkakasira ng mga produktong natatanggap nila. Sa video na ito, mukhang mayroon nang kasagutan kung bakit ito nangyayari.
Kitang-kita kung paanong walang pag-iingat na ipinapasok ng naturang mga trabahante sa sasakyan na magdedeliver ang mga packages.
Sa video, mayroon pa ngang isang package na tumama sa lupa, ngunit, wala man lang pakialam ang mga trabahante tungkol dito.
�May bubble wrap naman daw kasi lol. San kaya to,� sarkastiko pa ngang saad ng nagbahagi ng naturang video.
Umaabot na ngayon sa halos 100 000 netizens ang nakapanood nito at umaani rin ng galit ng mga komento galing sa mga netizen.
Hindi na napigilan pa ng mga netizen na ihayag ang kanilang pagkadismaya sa naturang delivery service company na kanila pa naman daw pinagakakatiwalaan.
Ayon sa iba, nasa naturang mga trabahante pala umano ang dahilan kung bakit kadalasan ay sira nang umaabot sa kanila ang mga gamit na ino-order.
Dagdag pang komento ng iba, dahil sa ipinakitang asal ay mukhang mga tambay lamang umano sa kanto ang kinuhang mga trabahante ng naturang kompanya.
Nananawagan ngayon ang mga ito na ayusin umano ng naturang kompany ang kanilang trabaho dahil pinaghihirapan din naman umano nila ang pera na ginamit sa pagbili ng naturang mga produkto o gamit.
Nais din ng iba na matanggal na lamang umano sa trabaho ang naturang mga trabahante.
Heto pa ang ilan sa mga dismayadong komento na iniwan ng mga netizen sa naturang trending video:
�Baka matanggal pa sa trabaho ang mga taong to. Enjoy na enjoy pa man din sila. Kaya pala may mga parcels na hindi maayos pag narereceive..."
�Kaya pala nasisira. Aha!�
�Mga trabahante parang ewan� mukhang wala seminar.�
�Hala grabe namn kasalbahe nyo� tapos �pag kayo nawalan ng trabaho, sisisi n�yo na naman sa kung kanino ang kawalan n�yo ng hanapbuhay. Mahiya naman kayo oy. Pinaghirapan din ng mga customer n�yan ang perang pinangbili nila dyan. Nakakagigil.�
�Sana bigyan pansin ng J&T forwarder �yung mga tauhan nila. Kaya pala may mga sira minsan �yung mga items. So dissapointing �yung video n�yo. HindI worth it �yung serbisyo n�yo sa mga binabayad namin.�
�Kaya pala tupi2x mga box at basag ang relo. Haist nalang. Patulfo na yan!�
Panoorin ang buong video dito!
No comments: