Isang Kapamilya Aktres, Sumalang Sa Training Para Sa Special Operations Unit Ng PNP Security Group
Sa panahon ng lockdown, iba ang napiling paglaanan ng kanyang oras ng aktres na si Beauty Gonzalez.
Sa isang panayam nito kamakailan lang, ikinwento ng 29 taong gulang na aktres ang pinagdaraanan umano nitong training o pagsasanay sa Philippine Nationa Police o PNP.
Imbes na mga karaniwang bagay ang pagka-abalahan, pinili ni Beauty na makibahagi sa isang pagsasanay sa mga kapulisan. Sumali si Beauty sa training para sa Special Operations Unit (SOU) ng PNP Aviation Security Group.
Naikwento ni Beauty ang tungkol dito sa kanyang naging guesting sa Magandang Buhay. Saad niya pa tungkol dito,
“Siyempre noong ECQ sobrang lockdown talaga. Talagang nasa bahay lang kami. After ECQ, GCQ I tried something new. I tried something na hindi mo ma-imagine. So I’m doing Police training now for the Special Operations Unit (SOU) of the (PNP) Aviation (Security) Group. So, they are training me for the anti-hijacking terrorism.”
Ayon sa aktres, ang pagsali niya umano sa pagsasanay na ito ay maaaring masabi na imposible o hindi maiisip ng sinuman na gagawin ng isang artista. Ngunit, malaking bagay umano para sa kanya ang mapasali rito lalo na’t nagsilbi raw itong eye-opener para kay Beauty.
“So ‘yan ang isa sa mga bagay na ginawa ko ngayon. And I’m happy to be part of it kasi it’s something new at para siyang eye-opener sa atin kasi nakikita ko ‘yung different point of view ng mga tao,” dagdag pa ng aktres.
Dahil sa napagdaanan, hinihikayat ngayon ng aktres ang mga Pilipino lalong lalo na ang mga kabataan na sumali sa ganitong gawain ng PNP o ganap na maging bahagi ng pwersa ng kapulisan.
Ayon kay Beauty, iba pa rin umano ang pakiramadam na makapagsilbi sa bansa.
“Talagang nakaka-inspire kasi this is a career na magbibigay sa iyo ng dignity, camaraderie and you are serving the Philippines. Iba ‘yung feeling to serve the Filipinos,”
Sa pagsali niya sa training na ito ng PNP, mas naa-appreciate niya na umano ang mga kapulisan at kung paano naging inspirasyon din ang mga ito sa kanya para manghikayat pa siya ng ibang mga Pilipino na sumali sa PNP.
Diin pa ng aktres, ang pagsailalim niyang ito sa naturang training ay hindi umano isang palabas lamang. Layunin nito ang makapagsilbi sa bansa at maging totoong ‘reservist’ ng PNP.
Sa kanyang Instagram Account, saad pa nga ni Beauty,
“Don’t Tread On Me…
“Weapons and tactics training
with the Men and Women of the
Police Special Operations Unit,
Aviation Security Group.
Not for a Show,
Not to train for a show,
But to serve,
in any possible way i can,
When called upon.”
Kaya naman, kasama ng kapulisan, kung ikaw ay nasa edad 18 hanggang 30, nakapagtapos ng kolehiyo, nasa at least 5’5 ang tangkad, at mayroong sapat na kakayanan, hinihikayat ngayon ni Beauty ang mga mamamayan na makiisa rin sa pulisya at mai-konsidera ang pagiging isang pulis.
"I really want to invite 'yung mga kabataan ngayon na walang mga work. Maybe you can try it out and maybe ito ang calling mo sa buhay mo. You can just easily go to www.pnp.gov.ph to send your application and try to see it out kung ano ba talaga," ani pa ni Beauty.
Source: virtualpinoy
No comments: