Isang Sikat Na Mayor Sa Luzon, Nagpositibo sa COVID-19


Nitong Miyerkules, ika-8 ng Hulyo, isang malungkot na anunsyo ang inilabas ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Sa official facebook page ng Quezon City Government, inanunsyo ni Mayor Belmonte na siya ay nagpositibo sa COVID-19. Gayunpaman, ayon kay Mayor Belmonte, nagpapasalamat umano ito na agad niyang natuklasan na positibo siya sa naturang virus.

“Nais ko pong ipahayag sa lahat ng aking minamahal na QCitizens na ako po ay nag-positibo sa aking huling COVID-19 test. Nagpapasalamat po ako na agad itong natuklasan. Sa ngayon, maayos po ang aking kalagayan at wala po akong nararamdamang anumang sintomas,” ani pa ni Mayor Belmonte.

Sa kabila ng pagsunod nito sa lahat ng mga paalala upang makaiwas sa COVID-19 tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing, paghuhugas ng kamay, at karagdagang pag-iingat, nahawaan pa rin ng naturang si Mayor Belmonte.


Kaya naman, ang nangyari umano sa kanya ay isang paalala na dapat pang pag-ibayuhin ng lahat ang kanilang pag-iingat upang hindi mahawa ng COVID-19.

Ayon kay Mayor Belmonte, sinimulan na umano ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (QC-ESU) ang hakbang para sa contact tracing. Dagdag pa nito,

“Bukod dito, isinara din pansamantala ang aking tanggapan para ma-disinfect ito kasama ang common areas ng City Hall.”

Sa simula pa lamang, alam na umano ni Mayor Belmonte na mayroong malaking posibilidad na mahawaan ito ng kumakalat na virus. Ito ay dahil sa madalas na pagdalaw ng mayor sa mga lugar tulad ng health center, ospital, concerned lockdown areas, at iba pang lugar sa Quezon City na may malaking posibilidad na mahawaan ito ng virus.

Gayunpaman, wala umanong pinagsisihan dito ang mayor dahil ginawa niya ito bilang serbisyo at upang matugunan ang pangangailangan ng mga lugar na nasabi.


“Inihanda ko na po ang aking sarili at buong puso ko po itong tinatanggap,” ani pa ni Mayor Belmonte.

Alinsunos sa DOH, sumasailalim umano ngayon sa quarantine si Mayor Belmonte ngunit, sinisiguro nito na nasusubaybayan pa rin niya ang kalagayan ng kanyang nasasakupan. Mensahe pa nito para sa publiko,

“Makasisiguro po kayo na patuloy ang serbisyo at gawain ng inyong lokal na pamahalaan sa kabila ng aking pag-quarantine. Bagama't limitado ang aking pagkilos, mananatili po akong nakatutok sa kalagayan at pangangailangan ng buong Quezon City…                                                           

“Maraming salamat po, at asahan ninyong sa aking paggaling, muli po ninyo akong makakasama upang personal po akong makapaglingkod sa inyo.”

Sa buong Metro Manila, si Mayor Belmonte lamang ang tanging mayor na napaulat na positibo sa COVID-19. Kaugnay nito, hiling at dasal ngayon ng publiko ang mabilis na paggaling ni Mayor Joy Belmonte.


Sa kasalukuyan, ang Quezon City ay mayroong mahigit sa 3000 positibong kaso ng COVID-19. Mahigit 2000 mula sa bilang na ito ang nakarecover na mula sa virus ngunit, mayroon pa ring 1301 na aktibong kaso ng COVID-19 mula sa lungsod.

Kung matatandaan, umani ng hindi magandang mga pahayag ang syudad ng Quezon City noong nakaraang mga buwan dahil sa paraan umano ng pagha-handle ng lungsod sa pandemya. Ang Quezon City ang naitala na pangalawang lungsod na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa bansa.

No comments:

Powered by Blogger.