ANGEL Locsin pinaliwanag ang katotohanan sa likod ng mga litrato habang nasa bundok sya


"Wala po akong masamang hangarin, wala po akong hidden agenda," - Angel Locsin

Mariing itinanggi ni Angel Locsin na may kaugnayan siya sa New People's Army.

Ito ang kanyang naging sagot sa mga akusasyon sa kanya ni AFP Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na dating miyembro umano ng NPA ang kapatid ni Angel na si Ka Ella Colmenares.

Ayon sa aktres, ang kaniyang pagbisita sa Lianga, Surigao del Sur ay tugon sa imbitasyon ng mga madre na nagmi-misyon sa lugar. 

 
Sa katunayan, noong bumisita siya sa nasabing lugar ay sinamahan pa siya ng alkalde at ng mga sundalo. 

"Kasama pa po namin ang Mayor that time paakyat, at pagbaba po may escort pa po kaming military."

"Mga gentleman po mga military, delikado po kasi yung lugar."

Pinag-aaralan na ng kampo ng aktres ang pagsasampa ng kasong libelo kay Lt. Gen. Antonio Parlade, pero nilinaw niyang wala naman siyang sama ng loob sa Armed Forces of the Philippines.

"So, wala kaming choice, e. Kino-consider po ng legal team ko ang pagdedemanda rin po."


No comments:

Powered by Blogger.