Tekla Serye, sa Raffy Tulfo in Action hindi umano gaano kumita dahil dito
Ito ay matapos na may netizen na nagsabing umabot sa ₱9 million ang kinita ni idol Raffy sa YouTube channel nito sa trending na trending na Tekla Serye.
Sa latest vlog ni Ogie Diaz, sinabi nito na inamin sa kanya ni Idol Raffy na ang mga video ng panayam kay Michelle Lhor Bana-ag ay nakakuha ng red-flag mula sa video-sharing platform na Youtube.
Sabi ni Ogie:
“Dahil ako ay manager ni Raffy, may kumalabit sa akin, ‘Ang laki siguro ng kinita ni Raffy Tulfo doon sa pagpapa-interview ni Michelle’, yung live-in partner ni Tekla. Kasi ginawa raw series ng 'Raffy Tulfo in Action' ‘yung pagpapa-interview ni Michelle.”
"Just to let you know, ‘yun pong mga videos na ‘yun ay na-red flag. Ibig sabihin, na-dilaw o na-red, kapag na-red walang pumapasok na ads. ‘Pag po dilaw, limited lang ‘yung ads na pumapasok. So ang hina rin ng daloy ng ads. ‘Yun po ‘yung naranasan ng Michelle-Tekla series,”
“Kasi sinasabi nga nila Nay, may presyo pa nga, na parang 9.1 million ‘yung kinita ni Kuya Raffy,”
“Naku, hindi po totoo. Hindi siya masyadong kumita doon.”
No comments: