BIRTHDAY wish ni Boobay ibinigay nya sa kanyang problemadong kaibigan na si Tekla


Napaka-swerte talaga ni Super Tekla o Romeo Librado sa totoong buhay. 

Dahil napapalibutan siya ng mga kaibigang tunay na nagmamahal sa kanya at hindi siya iniwan kahit sa mga panahong may mabigat na pinagdadaanan siya.

Sa birthday celebration ni Boobay sa "The Boobay and Tekla Show " na mapapanood sa darating na Linggo, ika-8 ng Nobyembre, may surprise greeting segment kay Boobay ang boyfriend niyang si Kent, pamilya niya at pati ang best friend niyang si Marian Rivera kung saan hiningan si Boobay ng birthday wish. 


“Ibibigay ko sa ‘yo ang wish ko sa birthday ko, ha?” sabi ni Boobay kay Super Tekla.

“Ano ka ba? This is your moment,” sagot ni Tekla.

“No! Ang wish ko, para sa ‘yo. Alam mo na yun,” sabi ni Boobay kay Tekla, sabay yakap ng mahigpit kay Tekla.

Sobrang touching ang eksena na'yon kung saan ramdam na ramdam mong marami talaga ang nagmamahal kay Tekla.

Narito ang komento ng mga netizens:

"Para sau idol super tekla,, npaka swerte mo kc ang dami mong kaibigan na sobrang ngppahalaga sau hndi ka nla iniwan sa oras ng pagsubok na pinagdaanan mo,, sana lng wag mong ipagpalit ang mga kaibiga mong tunay na ngmmahal sau sa isang babae na walang ginawa kundi samantalahin ana kabaitan mo at saktan ka,, malaya kna at sana ang mga anak mo nlng ang pgtuunan mo ng pgmamahal at oras,, god bless you at thank god kc nlampasan mo ang pgsubok na dumating sau,, love u idol more project and more laughter😄😄😄 "

"SANA ALL MAY FRIENDS. HAHAHAHA BIRTHDAY KO NGA WALANG NAKA ALALA SAKANILA E.🤣🤘" 

"Klimutan mo n ang mga taong d k mahal,,mag focus k s mga taong totoong nagmmhal syo at nagmmlasakit. "

"Sana all swerte sa kaibigan🤣" 

"Mabuting kaibigan dn c Boobay. Parang c donita Nose. Alam magbigay sa panahon ng kagipitan ng kaibigan. Kasama nya sa propesyon. Alam dn nya hirap kumita kc bread winner din sya noon pa. "

No comments:

Powered by Blogger.