BAGYONG SIONY, Tuluyan ng pumasok sa PAR


Tuluyan nang pumasok ng PAR kaninang 8 a.m. ng umaga ang bagyong may international name na #Atsani at pinangalanan namang Bagyong #SionyPH ng PAGASA.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umabot sa 75 kph at pagbugsong umaabot sa 90 kph. Kumikilos ito pa West Northwest sa bilis na 30 kph at huling namataan sa layong 1,365 km East ng #CentralLuzon.

Babantayan natin ito sa mga susunod na araw dahil mataas ang tyansang mag-landfall naman ito sa #NorthernLuzon, ilang araw matapos manalasa ang Bagyong #RollyPH.




No comments:

Powered by Blogger.