Driver ng SUV na tumakas sa Engkuwentro sa Cavite, Sumuko na sa kapulisan


Sumuko na ang driver ng SUV na isa sa suspek sa shootout na naganap sa Cavite City na nakilalang si Reymund De Leon Zuñiga sa ISAF ng Armed Forces.

Si Zuniga ay tumakas habang binabaril ng kanyang amo na si Methusael Brown Cebrian ang mga miyembro Cavite-HPG nang sitahin ang sinasakyan nilang Nissan Terra na walang plaka at conduction sticker sa isang anti carnapping operation sa Manila -Cavite Road, Brgy. 8, Pulo 3, Cavite City. 


Ayon kay PNP-HPG chief Police Brigadier General Alexander Tagum, sasampahan ng mga reklamong kriminal si Zuñiga dahil umano sa pagiging parte nito sa krimen.

"Presently nasa kustodiya siya ng Highway Patrol Group and today he will be facing criminal cases na ifafile natin for his part during that incident," sabi ni PNP-HPG chief Police Brigadier General Alexander Tagum. 

Hindi gayunman sinabi sa report kung kailan sumuko sa ISAF si Zuniga at kung nai-turn-over na siya sa Cavite Police para sa kaukulang pagsisiyasat. 


Nabatid na matapos ang engkuwentro ay dumating sa crime scene ang misis ni Cebrian na siyang opisyal ng Navy at positibong kinilala na mister niya ang napatay.

Ang sasakyan na ginamit ng suspek ay na-turn over na din sa pulisya para sa imbestigasyon at tamang disposisyon.


No comments:

Powered by Blogger.