Matapos ang Super Bagyong Rolly, Bagyong Ulysses nagbabanta ngayon sa Catanduanes


Matapos ang Bagyong Rolly, Bagyong Ulysses naman ang nagbabanta sa Catanduanes.

Sa pinakahuling forecast track ng PAGASA, sa Miyerkules inaasahang lalapit sa Catanduanes ang nasabing bagyo bago ito mag-landfall sa Camarines o Quezon Provinces. 

Bagyong Rolly aftermath Catanduanes

Bahagyang lumakas ang Bagyong Ulysses at isa nang Tropical Storm na huling namataan sa layong 575 kilometers silangan ng Borongan, Eastern Samar.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour (km/h) malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 80 kph at kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Ayon kay PAGASA, bagama’t hindi pa ito pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), makaka-apekto naman ito sa Ilocos Norte, Apayao, Batanes, Cagayan, Bicol Region, Eastern Visayas at Quezon.

No comments:

Powered by Blogger.