P5M Kuya Wil, naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Catanduanes


Isa ang Gigmoto, Catanduanes sa mga lugar na matinding hinagupit ng Super Bagyong Rolly noong November 1, 2020.

Kahapon, November 8, 2020, bumisita si Willie Revillame, kasama ang staff ng Wowowin at kanyang mga kaibigan sa Gigmoto, Catandues,

Gamit ang helicopter na mismong si kuya Wil ang piloto nagdala sila ng mga kumot, gamot, at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayang nasalanta ng bagyo. 



Nagbigay rin si kuya Wil ng limang milyong piso kay Catanduanes Governor Joseph Cua bilang karagdagang tulong sa mga residente ng Gigmoto. 


Tila ghost town ang Gigmoto dahil sa mga bahay, puno, at pananim na winasak ni Super bagyong Rolly kaya wala pa rin kuryente at cellphone signal sa nasabing lugar.

Maaalalang isang residente ng Gigmoto ang nanawagan sa TV ng tulong mula kay Kuya Will na agad namang tinugunan ng TV host.

Dumating ngayong araw sa Catanduanes si WIllie Revilliame upang magtungo sa Gigmoto para mag-abot ng tulong sa mga...

Posted by DZGBNewsOnline on Sunday, November 8, 2020

No comments:

Powered by Blogger.