ELECTRIC TOWER sa Camsur, Bumaluktot sa lakas ng hagupit ng bagyong Rolly


Isang electric tower sa Pili, Camarines Sur ang bumaluktot sanhi ng malakas na hangin ng Bagyong Rolly.

Sa isang video na ibinahagi ni Camarines Sur Representative na si Luis Raymund Villafuerte sa mga mamamahayag nitong Linggo, na kuha umano ng netizen na si Szhue Szhien, isang tower ng National Grid Corporation of the Philippines ang nakita na yumuyuko sa gitna ng malakas na hangin na bumabayo sa lalawigan.

Sa isa pang video, isang hanging bridge sa Camaligan, Camarines Sur ay nahuli na hinahampas ng malakas na hangin, na naging sanhi ng malakas na pag-ugoy nito.

No comments:

Powered by Blogger.