NETIZEN nag-alok ng tulong kay Michelle Bana-ag at pamilya nito


"Sabihin mo lang kung magkano yung halaga ng pustiso mo, gagawan natin ng paraan na matulungan ka," -Kuya Rashid

Isang video sa Facebook ang binahagi ni Shabby Bana-ag ang kapatid ni Michelle Lhor Bana-ag na kung saan isang lalaki na tinawag niyang Kuya Rashid ang handa umanong tumulong sa kanilang pamilya.

Napanood daw kasi ni Kuya Rashid ang pag-atras ni idol Raffy Tulfo sa mga tulong na sana'y ibibigay kay Michelle at sa pamilya nito kaya naman siya na raw ang tutulong sa mga ito. 


"Michelle, kung winidrow ni idol Raffy ang tulong niya sayo, kami ang handang tumulong sa inyo," sabi ni Rashid.

"Sabihin mo lang kung magkano yung halaga ng pustiso mo, gagawan natin ng paraan na matulungan ka," sabi nito

Sinabi din ni Rashid na wag dapat mag-alala si Michelle na baka mawala sa kanya ang kustodiya ng anak nila ni Tekla sa kanya.

"Wag kang panghinaan ng loob sa sinabi ni Raffy na aalisin sayo ang kustodiya na bata, dahil wala pag pagpapatunay na ikaw ay gumagamit." dagdag pa nito.

No comments:

Powered by Blogger.