KISAME at DASAL | Pamilya sa Albay, sa kisame nagkubli habang humahagupit si Rolly


"Naluha ako habang pinapanood ang pamilyang ito. Sana ligtas sila at magkakasama pa rin" -Netizen

Isang video ang trending ngayon sa social media kung saan makikita ang naging sitwasyon ng isang pamilya sa Albay, Bicol 


Kisame at dasal 'yan ang kinapitan ng pamilya Alapad sa kasagsagan ng hagupit ng bagyong Rolly sa Brgy. San Francisco, Guinobatan, Albay

Sa kisame sila nagkubli habang rumaragasa ang baha na may kasamang lahar at malalaking bato.

Maririnig din ang kanilang dasal habang sinisikap na paglabanan ang takot sa nagaganap na 'Super Typhoon'

Himala raw kung maituturing na nakaligtas sila sa sakuna.



No comments:

Powered by Blogger.