TIPS ni idol Raffy para malamang nagsisinungaling ang isang taong kausap mo


"Sasabihin niya 'ewan, hindi ko alam ang sagot dyan'". -idol Raffy Tulfo

Sa isang portion ng programang Wanted sa Radyo nagbigay si idol Raffy Tulfo ng 10 tips para malamang nagsisinungaling ang isang tao na kausap mo.

Narito ang 10 sa mga palatandaan na ang taong kausap mo ay nagsisinungaling, ayon kay idol Raffy Tulfo.
  • Habang kinakausap mo hindi siya makatingin sayong mga mata.
  • Habang kausap mo restless siya kung anu-ano ang ginagawa.
  • Yung biglang iwas siya sayo. Tumitingin sa baba, tumitingin sa taas.
  • Magalaw yung kanyang mga daliri.
  • Magalaw ang kanyang mga paa.
  • Mag gagalit-galitan.
  • Ngingisi-ngisi na parang aso.
  • Lulunok-lunok ng laway.
  • Pipikit-pikit ng mga mata.
  • Sasabihin niya "ewan, hindi ko alam ang sagot dyan".


No comments:

Powered by Blogger.