"That evening my dry cough started, accompanied by a sore throat and headache." - Kris Aquino
Ibinahagi ng TV host-actress na si Kris Aquino sa kanyang Instagram na sumailalim siya at ang kanyang buong staff sa PCR test dahil naka-schedule siyang gumawa ng isang TV commercial.
Nagulat sila nang lumabas ang resulta dahil isa sa kanyang driver ay nagpositibo sa COVID-19.
Dahil sa nangyari, hindi na natuloy ang pre-shoot recording ng TV commercial.
Ika-5 ng Nobyembre nang mag-upisang makaranas ng dry cough, sore throat at sakit ng ulo si Kris.
"That evening my dry cough started, accompanied by a sore throat and headache." sabi ni Kris
"I slept early and told myself, everyone would be in full PPE & N95 masks- kakayanin namin..."
"I woke up still coughing, with sinus congestion, a persistent headache and fatigue."
Nakaranas din siya ng blood pressure at nawalan pa umano si Kris ng boses dahil sa labis na kanyang pag-uubo.
"It was there that i started to lose my voice because of the nonstop coughing & my BP had gone up to 150/100."
Fortunately, negative ang PCR test result sa kanila.
"3 PM kanina nag PCR test kaming lahat sa team ko, hindi ako makatulog waiting for the results... Thank You God- for now okay kami." sabi ni Kris
Kailangan na lamang nilang muling sumailalim sa isa pang test para masiguradong ligtas sila mula sa COVID.
"November 10, one more test para totally CLEARED na ang Team Kris." sabi ni Kris
Naka-isolate siya sa kasalukuyan sa kanyang mga anak para na rin sa kaligtasan nila.
No comments: