KINIKILALANG ina ni Angeline Quinto na si Mama Bob pumanaw na

 "Kung wala po si Mama Bob, siguro wala rin pong Angeline ngayon,"-Angeline Quinto.

Isang nakakalungkot na balita ang aming natanggap pumanaw na ang ina ni Angeline Quinto na si Sylvia Quinto or Mama Bob ngayon araw, November 7.

Matatandaang noong Oktubre ay humingi pa ng dasal si Angeline para sa kanyang ina na sasailalim sa isang operasyon.

Si Mama Bob ang tumayong ina ni Angeline Quinto, siya rin ang nagpalaki at nag-aruga kay Angeline.

Sa isang Instagram post  ni Angeline nagpaalam at nagpasalamat siya sa namaalam nyang ina.

"Mag iingat ka sa pag lalakbay Mama. Hindi man kita maalalayan sa paglalakad ngayon patungo sa paraiso, masaya ako nandyan ang Panginoon para umalalay sayo."

" Hinding hindi ako mapapagod sa pagpapasamalat sayo Ma, dahil sa pagkakataong ibinigay mo sa akin para maging anak mo. Hanggang sa muli nating pagkikita MAHAL NA MAHAL KONG MAMA BOB 💔" 

Nagluluksa ngayon ang aktres sa pagkawala ng kanyang Mama Bob.

Hindi pa rin tukoy kung ano ang ikinamatay nito.

Condolence Angeline Quinto.

No comments:

Powered by Blogger.