VIRAL Mike Enriquez, may bagong blooper sa 24 Oras


“Ako po si Mike Enriquez na humihingi ng pasensiya kay Ivan Mayrina,”  - Mike Enriquez

Trending nanaman ngayon si Mike Enriquez dahil nakagawa ulit siya ng isang nakakatawang blooper sa nakaraang episode ng programa ng GMA News, "24 Oras." 

Sa ending part ng programa nagkamaling nasabi ni Mike sa madla na ang kanyang pangalan ay Ivan, ang pangalan ng kanyang co-reporter sa 24 Oras na si Ivan Mayrina. 


“Ako po si Ivan,” sabi ni Mike.

Dahil dito, patawang kinorrect ni Mel Tiangco si Mike at sinabi sa kanya na hindi Ivan ang kanyang pangalan.

“Hindi ikaw si Ivan. Hindi ikaw, Mike,” sabi Mel kay Mike.

Matapos tumawa nina Ivan at Mel, sinabi na ni Mike nang tama ang kanyang pangalan at humingi ng sorry kay Ivan para sa pagkakamali nito.

“Ako po si Mike Enriquez na humihingi ng pasensiya kay Ivan Mayrina,” sabi ni Mike kay Ivan.

"Walang problema, Mike." nakangiting sagot ni Ivan kay Mike.

Panoorin ang video sa ibaba:

No comments:

Powered by Blogger.