Lola ni Charice 'Jake Zyrus' umiyak na humingi kay idol Raffy Tulfo ng tulong

Isang video ng isang lola ang kumakalat ngayon sa social media ang usap-usapan ngayon online.

Ayon sa Facebook post ng page na "Mukbangers on the road", ang matandang babae sa video ay ang lola ni Jake Zyrus o dating si Charice Pempengco.

Narito ang kanilang post:

"Good day mga Kamukbangers siya po si Tess Pineda siya po ang Lola ni Charice Pempengco o mas kilala sa tawag ngayon na Jake Zyrus.

Siya po ay lumapit sa amin at nakiusap na baka pwede daw po namin sya kuhanan ng video upang manawagan sa kaniyang pamilya at makahingi ng tulong kay Idol Raffy Tulfo at Maam Jessica Soho.

Siya po ay 74 years old na at may mga iniindang karamdaman nais nya pong makapag pa check up dahil lagi na po syang nahihilo kailangan nya rin po ng mga gamot.

Pansamantala po syang kinukupkop ng isang concern citizen sa Sta.Rosa Laguna. 

Hinihiling din po niya na mabigyan sya ng isang makina sa pananahi upang kahit papaano ay makatulong sya sa taong kumukupkop sa kanya.

Sa mga nais pong tumulong maari po kayong tumawag sa numerong eto 09972140556/ 0493022302..Maraming salamat po.."

Panoorin ang kanyang panawagan sa ibaba:

No comments:

Powered by Blogger.