Soon to be Misis, tinakasan ni lalaki isang araw bago ang kanilang kasal


Masamang-masama ang loob ng isang bride-to-be sana na si Mary Grace Dollete nang nagpasaklolo ito sa programang "Wanted sa Radyo" ni idol Raffy Tulfo.

Reklamo niya ay ang biglaang pag-atras ng kanya sanang mapapang-asawa na si Lendo Romero isang araw bago ang kanilang pag-iisang dibdib. 


Ang paliwanag naman ni lalaki, nasasakal na umano siya sa sobrang pagiging selosa ni Mary Grace at hindi na niya masikmura ang ugali nito kaya naman nagdesisyon siyang hiwalayan na ito.

Ngunit giit ni Mary Grace na mayroon na raw ibang girlfriend ang lalaki at nagagawa pa nito umanong iuwi sa kanilang tahanan at alam na rin daw iyon ng magulang ng lalaki.

At dahil sa sama ng loob na binigay ng lalaki sa kanya gustong kasuhan ni Mary Grace ang kanya sanang groom.

Panoorin ang video sa ibaba:

No comments:

Powered by Blogger.