Misis ng nasawi na HPG officer sa engkuwentro sa Cavite, binigyan ng medalya


Binigyan ng 'Medalya ng Kadakilaan' ang asawa ng napatay na tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group na si Sergeant Julius Arcalas kamakailan sa Cavite City.

Noong Lunes, iginawad ng PNP ang parangal kay Arcalas at binigyan din ng mga iskolarship ang kanyang limang mga anak.

“Maski ako hindi ko rin alam kung ano ang susunod na mangyayari. Kailangan ko maging matatag kasi meron akong limang anak,” sabi ng kanyang asawa na si Celerina Arcalas.


Namatay si Arcalas matapos mauwi sa barilan ang pagsita sa isang motoristang walang lisensya na lulan ng sasakyang walang plaka at conduction sticker.

Patay rin sa insidente ang suspek na nakilalang si Methusael Cebrian na dati nang inireklamo ng panunutok ng baril.

Ang suspek na driver ay sumuko naman sa mga awtoridad at mahaharap sa mga singil sa pagiging kasangkapan sa krimen.

Pasasalamat Gusto kong simulan ang aking pasasalamat sa ating Ama sa Panginoong Hesus sa Inay Maria at sa mahal kong mga...

Posted by Celerina Arcalas on Tuesday, November 10, 2020


No comments:

Powered by Blogger.