Sasakyan at bahay ni Archie Alemanya, lubog din sa baha dahil sa Ulysses


"Eto ang kalagayan ngayon ng aming street" - Gee Canlas

Kabilang ang mag-asawang sina Archie Alemania at Gee Canlas sa mga Pilipinong naapektuhan ng Bagyong Ulysses na sumalanta sa maraming lugar sa buong bansa.

Nag-post sa Instagram ang sila Archie kung saan makikita ang kanilang bahay at mga kotse na nakalubog sa tubig para mai-update ang kanilang mga kaibigan at pamilya sa kanilang sitwasyon.

Sinabi ng celebrity na sa simula raw ay hanggang sa baywang lang ang tubig ngunit tumaas pa ito hanggang dibdib sa kasagsagan ng napakalakas na bagyo.

Buti na lamang at ligtas siya at ang kanyang pamilya sa kabila ng nangyari.

No comments:

Powered by Blogger.