Vlogger na si Donnalyn Bartolome lubos na hinangaan ng mga netizens sa pagtulong sa mga nasalanta ni Bagyong Ulysses
Hinangaan ng marami ang vlogger na si Donnalyn Bartolome dahil sa kanyang tapang at malasakit sa kapwa sa panahon ng sakuna.
Nang makita ni Donnalyn na lubog na sa baha ang Marikina City at ang ibang bayan sa Rizal dahil sa Typhoon Ulysses, gumawa siya agad ng paraan na puntahan ang naturang lugar para personal na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo, kahit na residente siya ng Parañaque City.
Bumili at nag-donate si Donnalyn ng mga rescue boats para sa mga kababayan nyang na stranded sa bubungan ng kanilang mga tahanan at humihingi ng saklolo habang sinasalanta ng Typhoon Ulysses.
Humingi rin siya ng pasensya kung nahirapan ang mga volunteers na sunduin ang mga stranded na residente pero nangako siyang ginagawa nila ang kanilang buong makakaya.
Boats delivered to Montalban Rizal. Get to safety everyone (read the post)🙏🏻 Otw to Marikina right now to deliver more...
Posted by Donnalyn Bartolome on Wednesday, November 11, 2020
No comments: