"My Father is A Policeman", Pamamaril ng Pulis sa Tarlac Inaksyunan na ni Idol Raffy Tulfo


Nakarating na kay idol Raffy Tulfo ang kaso ng pagkamatay ng isang mag-inang sina Sonya Rufino Gregorio at anak na si Frank Anthony sa Tarlac.

Sa kanyang programa naka-usap niya ang magkabilang panig, ang pamilya ng biktima at maging ang tiyuhin ng asawa ng namaril na pulis.

Samantala tiniyak ng DOJ na mabibigyan ng hustisya ang mag-ina na pinatay ng isang pulis sa Paniqui, Tarlac. 

Magugunita na sinugod ng suspek na si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca ang bahay ng mga biktima matapos makarinig ng pagsabog ng boga. 

Kusang loob na sumuko sa police station sa Rosales, Pangasinan ang suspek. 

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nakakabahala ang pangyayari na nakuhanan pa ng video.

Inatasan ng Justice Secretary na agad magsagawa ng preliminary investigation sa sandaling maisampa sa kanila ang mga kaso.

Siniguro ni Guevarra na tutuyukan nito ang kaso upang matiyak na mabibigyan hustisya ang mga biktima.

No comments:

Powered by Blogger.