'Show no mercy' Pulis na namaril sa mag-ina sa Tarlac, nahaharap sa patung-patong na kaso


Sumuko sa Rosales Municipal Police Station nitong Linggo ng hapon ang pulis na si Jonel Nuezca, na binaril ang mag-inang kapitbahay nito sa Paniqui, Tarlac.

Isinuko rin ng suspek ang Beretta 9mm pistol na ginamit sa pagpatay kina Sonya at Frank Anthony Gregorio, maging ang PNP ID at mga bala ng baril. 



Kasalukuyang nakakulong si Nuezca sa Paniqui Municipal Police Office habang patuloy ang imbestigasyon.

Naunang ipinaalala ni Paniqui Police chief Lt. Col. Noriel Rombaoa sa pulisya na panatilihin ang maximum tolerance sa sinumang mamamayan na lumalabag sa patakaran sa paggamit ng paputok sa panahon ng kapaskuhan.

“Sa mga kasamahan po natin sa pulisya dapat self-control kasi nga maximum tolerance tayo, tayo ang may armas,” ayon kay Rombaoa.

“Kung merong umaagrabiyado sa atin merong right forum po riyan. Puwede nating kasuhan, not to the point na gagamitin natin ang baril natin,” giit pa ng opisyal.



No comments:

Powered by Blogger.