Pahayag ng isang Pulis tungkol sa pamamaril ng kapwa pulis, ikinagalit ng mga Netizens!



Trending sa social media ang video footage ng ginawang pamamaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio dahil lamang sa away sa pagpapaputok ng boga at nakaraang alitan sa lupa sa Paniqui, Tarlac.

Kabi-kabila ngayon ang sigaw ng mga tao na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa mag-inang Gregorio. Kung hindi man pagkakakulong, kamatayan din umano ang gustong hatol ng mga ito sa naturang pulis na base sa video ay walang anumang pagdadalawang-isip sa kanyang ginawa.

Ngunit, sa kabila nito ay mayroon pa ring mga indibidwal na salungat ang pananaw mula sa karamihan na agad namang nakatanggap ng pambabatikos at pagkadismaya mula sa publiko. Kabilang na dito ang isa ring umano’y pulis na si Ariel Ruego Buraga.


“My Father is a Policeeeee Mannnnn ha!!! I don’t care eh eh eh eh eh err!!! P@#¥ng ina mo tapusin na kita ngayon???? Bang Bang Bang Bang…

“Lesson learned. Kahit maputi na ang buhok o ubanin na, tayo eh matutuo tayo rumespeto sa ating mga Kapulisan. Mahirap kalaban ang pagtitimpi at pagpapasensya… RIP Nanay at Totoy,” 


Ang pahayag na ito ni Buraga ay agad namang binatikos ng mga netizen dahil ayon sa mga ito, mukhang inilagay pa umano ng pulis ang sisi sa mga biktima. Kung tutuusin, ang ginawa ng ina ay pagpoprotekta lamang sa anak nito at simpleng pagsagot din sa anak ng suspek na kita ang walang pagrespeto sa mga biktima.

Agad naman na naging viral ang pahayag na ito sa Facebook post ng naturang pulis. Masyado umanong mataas ang tingin ng mga kapulisang ito sa kanilang mga sarili na kahit ang trabaho sana nila ay protektahan ang publiko, sila pa umano ngayon ang kinakatakutan dahil maaaring malagay sa peligro ang kanilang buhay dahil sa mga ito.

No comments:

Powered by Blogger.