Makati hotel, pinagpapaliwanag ng DOT sa kanilang pagtanggap ng mga guest "for leisure purposes" sa gitna ng pandemya
Naglabas ng isang show-cause order ang Department of Tourism (DOT) para sa City Garden Grand Hotel sa Makati - ang establishment kung saan natagpuan ang katawan ng flight attendant na si Christine Dacera - at pinagpapaliwanag kung bakit hindi sila dapat masuspinde dahil sa kanilang pagtanggap ng mga bisita "for leisure purposes" sa gitna ng pandemya sa loob ng tatlong araw.
Sa liham mula sa DOT na may petsang Enero 5, 2021, inatasan ni DOT regional director Woodrow Maquiling Jr ang general manager ng City Garden Grand Hotel na si Richard Heazon na ipaliwanag kung bakit patuloy na tumanggap ang hotel ang mga guests kahit na sinasabi sa patakaran na bawal sa mga establishments na ginamit bilang isolation facility.
"It has come to the attention of the DOT that the demise of a Philippine Airlines flight attendant allegedly occurred during a party held in your establishment on 31 December 2020. We understand based on reports that several individuals have checked-in or spent the evening in one of your rooms on the said date," ayon sa sulat.
Ayon sa DOT, dapat ipaliwanag ng City Garden Grand Hotel kung bakit hindi ito dapat suspindihin o bawiin dahil sa paglabag sa naunang naisyu.
Patay nang natagputan ang flight attendant na si Christine Angelica Dacera.
Matapos magdiwang ng bagong taon kasama ang mga kaibigan sa hotel sa Makati City noong January 1, 2021.
Base sa imbestigayon ng Makati police, wala nang malay nang makita ng isa sa mga kasama ng biktima sa bathtub ng kwarto bandang alas-dose imedya.
Dinala pa si Christine sa clinic upang irevive, pero hindi na humihinga at wala nang pulso ang biktima, idineklara siyang dead on arrival.
Base sa initial report aneurysm ang ikinamatay ni Christine, pero meron ding nakitang mga sugat sa tuhod at hita ng biktima may bakas din na siya ay ginahasa.
Netizen's comments:
"Duda ko sa pangyayari na eto pagkatapos siyang hinalay ng nalasing na inaatake eto / heart attack at nagka aneurysm habang naliligo sa bathtub ng dahil sa ecstasy siguro na nainom na linagay sa kanyang kasamahan sa kanyang wine. May her soul Rest In Peace.🙏Mga magulang kailangan tayong dependent/watchful at all times sa ating mga anak kahit malaki na sila. 😢😢😢 Ibalik ang Bitay na parusa sa ating Bayan!"
"Yan ang problema hanggat walang nangyayareng ganyan hindi malalaman ang mga ginagawang mali nang mga hotel. Sa tingin ko hindi lang dapat suspendihin ang hotel dapat i pasara dba nila alam na may pandemic tayo ngayon ah...."
"Ang lesson sa nangyyaring ito para saken, always remind our children binata o dalaga o kahit adult na cla, na maging maingat sa pgpili ng mga kaibigan o khit kasamHan man sa work dahil hindi ntin alam ang pgppalaki ng bwat parents sa mga anak nila,may mga taong sadyang wlang respeto sa kapwa nila,lalo na kung may bisyo at kayang pumatay ng walang kalaban laban tulad ng nangyari kay Christine,sayang maganda at bata pa, sobrang sakit ang mawalan ng anak, Kya wag ntin iblame ang parents ni Christine sa karumaldumal na pgpatay sa knilang anak.dapat din managot ang hotel sa nangyari lalo't pandemic bawal ngaun ang mass gathering.may panamagutan din ang hotel sa krimen na ito."
No comments: