Isang ama, binawian ng buhay sa kalagitnaan ng pagtatrabaho dahil sa sobrang pagod.

Likas sa mga magulang ang kakayahan na magsakripisyo para sa kanilang mga anak. Madalas ay nagtatrabaho sila ng sobra sobra at di alintana ang pagod maitaguyod lang ang kanilang pamilya. Minsan din ay nalilimutan na nilang pangalagaan ang sarili nilang kalusugan.


Tanging nais nila ay mabuhay ng matagal at masilayan ang pagkakataon na makamit ng kanilang mga anak na makamit ang mga mithiin o pangarap sa buhay ng kasama sila.




Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, ang amang ito ay nabigo at sa kasamaang palad ay binawian din ng buhay habang nag susumikap para sa kinabukasan at pangarap ng kanyang mga anak.

Si Misyanto, isang 66-anyos na ama at tindero ng sorbetes gamit ang kanyang motorsiklo na nakatira sa sa Desa Ledokombo, East Jawa, Indonesia, ay natagpuang walang buhay ng mga lokal habang nasa kalagitnaan ng kanyang pagtitinda sakay ng kanyang motorsiklo.

Si Misyanto sa kanyang motorsiklo


Isang residente ng lugar na kinilalang si Suwoco, ay naglalakad at papatawid sana sa kalsada ng matagpuan niya si Misyanto at ang kanyang motorsiklo na nakahinto sa gitna nito at nakayuko.

Sinubukan niyang tawagin at sigawan ito ngunit wala itong naging tugon. Dito na sinadyang lapitan ni Suwoco ang walang kibo na si Misyanto na nakasakay sa kanyang motorsiklo at saka nalamang hindi na ito gumagalaw.

Naiulat ang pangyayari sa Suara Indonesia at nasabing ang dahilan ng pagkasaw! ni Misyanto ay dulot ng sobrang pagkapagod. Kasabay ito nang pag baliwala niya sa kanyang mga nararamdaman, makapagpatuloy lang sa paghahanap buhay para sa kanyang mga anak.

Sinabi din na madalas na ireklamo nito ang paghihirap sa paghinga at sakit ng ulo ngunit patuloy pa rin ito sa kanyang trabaho.

Inihayag din naman ng mga pulis na nagsagawa ng imbestigasyon sa nangyari kay Misyanto na walang nagbalak sa kanya ng masama dahil ni hindi naman nagalaw ang kagamitan nito.

Si Misyanto, 66-anyos


Isang nakakalungkot na kwento at pangyayari na sa kabila ng buong pusong pagsisikap ay mauuwi lang sa masalimuot na kaganapan.

Tinat'yang lubos lubos ang pasasalamat ng mga anak nito dahil sa ipinakitang pagmamalasakit at pagmamahal ng kanilang ama sa kanila.

Source: World of Buzz

No comments:

Powered by Blogger.