Kabutihan ni Angel Locsin ibinahagi ng isang netizen: "May mga tao na never makakalimutan ang kabaitan mo. Keep doing good"

Sa kabila ng kontrobersyal na nangyari sa inilunsand na community pantry ng aktres na si Angel Locsin, marami pa rin ang nagpakita ng suporta at nagpapasalamat sa kabutihang loob ng aktres.
Photo credit: Twinkx Morningstar | Facebook

Si Angel ay tinaguriang real life Darna dahil sa pagiging matulungin nito sa mga kapwa Pilipino sa tuwing may kinakaharap na problema ang ating bansa.

Tuwing mayroong mga bagyo, lindol at iba pang sakuna na nangyayari sa ating bansa ay palaging nandyan ang aktres upang tumulong.

Kaya naman hindi maitatangging marami paring Pilipino ang sumusuporta at naniniwala kay Angel sa kabila ng insidenteng nangyari sa kanyang community pantry.
Angel Locsin / Photo credit: Facebook

Angel Locsin / Photo credit to the owner

Katulad na lamang ng isang netizen na ibinahagi ang pagiging mabuting tao ng aktres.

Sa Facebook post ng netizen na si Twinkle, ikinuwento nito ang ginawang pagtulong ni Angel sa isang nagtitinda ng taho sa kanilang taping para sa ‘Maalaala Mo Kaya’ (MMK) noong 2007.

Binili raw lahat ni Angel ang taho at ipinamahagi sa buong cast at crew ng kanilang set.
Photo credit: Twinkx Morningstar | Facebook
Photo credit: Twinkx Morningstar | Facebook

At kahit raw wala itong tulog ay hindi umiinit ang ulo nito.

36 hours straight wala tayong tulugan sa taping from Manila to Bulacan, back and forth. Pero ni isang saglit, hindi umiinit ulo mo. Sobrang bait mo pa rin. Tuloy ang aura!” sabi ni Twinkle.

Maging ang pagiging mabait nito sa kanyang PA ay ibinahagi rin ng netizen.

Sa huli ay binigyan ng payo ni Twinkle si Angel. Aniya, kahit ano mang pagkakamali ang kanyang nagawa ay mayroon pa ring mga taong patuloy na susuporta sa kanya dahil sa kanyang kabaitan.

Dagdag pa niya, “Tandaan mo, sa mundong ito, kahit ilang beses kang gumawa ng tama at kabutihan, magkamali ka lang, yun na ang titignan nila sayo.”

Basahin ang buong post sa ibaba:

“Dear Angel Locsin,

Mare, I still remember these days when we were shooting MMK in 2007. Pinakyaw mo ang buong paninda ni manong magtataho para ipamigay sa buong cast and crew natin noon. 36 hours straight wala tayong tulugan sa taping from Manila to Bulacan, back and forth. Pero ni isang saglit, hindi umiinit ulo mo. Sobrang bait mo pa rin. Tuloy ang aura!
Photo credit: Twinkx Morningstar | Facebook

Nag chichikahan kami ni Goy at yung isang PA mo, wala silang sinabi tungkol sayo kundi how GENEROUS, and KIND you are na bukod sa monthly salary nila, binibigyan mo pa sila ng tig isang sakong bigas, and other freebies.

You're a very down to earth person, mare. Although ilang years na ang nakalipas, you never changed being GENEROUS, and KIND. Consistent ka.

Whatever mistakes you've made, always remember na may mga tao pa rin na susuportahan ka kahit malayo sayo. May mga tao na never makakalimutan ang kabaitan mo. Keep doing good, mare. Tandaan mo, sa mundong ito, kahit ilang beses kang gumawa ng tama at kabutihan, magkamali ka lang, yun na ang titignan nila sayo. Pero there are people who will always remember who you really are, and how you treated people with so much generosity and kindness at isa nako dun.

Sincerely, 
Twinkle


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:







***

No comments:

Powered by Blogger.