Ama ni Britney Spears, bibitaw na bilang conservator ng $60 million estate ng anak
Maituturing na isang malaking tagumpay ang pagpayag ni Jamie Spears na bitawan ang pwesto nito bilang conservator ng kanyang anak na si Britney Spears na tumagal rin ng 13 taon.
“We are pleased that Mr Spears and his lawyer have today conceded in a filing that he must be removed,” ayon sa statement na inilabas ni Mathew Rosengart, abogado ni Britney.
Nagsimula ang pag-take over ni Jamie Spears sa pagdedesisyon tungkol career at finances ng American singer-songwriter simula nang magkaroon ito ng mental breakdown noong 2008.
Halos ilang buwan na ring nananawagan ang singer-songwriter na tanggalan na ang ama ng kapangyarihan na magdesisyon para sa kanya.
Isang court hearing ang magaganap sa Setyembre kung saan tatalakayin ang panawagan ng dalaga.
Ayon kay Rosengart, isang major victory ang desisyon ni Jamie at isang hakbang papalapit sa inaasam nilang hustisya.
Walang petsa na nakasaad kung kailan tuluyang bibitawan ni Jamie ang paghawak sa $60 million estate ng anak base sa dokumento na isinumite nito sa korte noong Huwebes. Ayon pa kay Spears, wala namang grounds para madaliin ang pag-alis sa kanyang pwesto.
Pero ayon rin sa dokumento, “Even as Mr Spears is the unremitting target of unjustified attacks, he does not believe that a public battle with his daughter over his continuing service as her conservator would be in her best interests.”
“Mr Spears intends to work with the court and his daughter’s new attorney to prepare for an orderly transition to a new conservator,” ayon rin sa court filing.
Nananatili sa pangangalaga ni Jodi Montgomery si Britney na siya ring nangangasiwa ng medical at personal affairs nito. Kamakailan nga ay naisapubliko na rin ang naging mental health issues ng singer-songwriter.
Emosyonal na nagsalita si Britney noong Hunyo at Hulyo laban sa court-appointed conservatorship. Ani ng dalaga, ito raw ay mapang-abuso at nakakahiya. Amin rin niya, sinisira diumano ng kanyang ama ang kaniyang sariling buhay.
Matatandaan na hindi na nagpe-perform ang singer-songwriter mula 2018 at wala itong planong bumalik hangga’t ang ama ang nagkokontrol sa kanyang career.
Ayon sa court document, hangad lang ni Jamie ang ikakabuti ng anak at walang balak na pilitin ito sa mga bagay na ayaw nitong gawin.
Ayon rin sa dokumento, “By her own admission, Ms Spears is strong and stands up for what she wants. Mr Spears has tried to do everything in his power to accommodate Ms Spears’ wishes, whether regarding her personal life, family, or career, while fulfilling his duties and obligations as conservator (and) protecting her from others seeking to take advantage of her.”
The post Ama ni Britney Spears, bibitaw na bilang conservator ng $60 million estate ng anak appeared first on Bandera.
No comments: