Ate Vi sinabihan si Luis na ang pangit umiyak sa TV: ‘Wow! Walang respeto sa account ko, guys!’

Jessy Mendiola, Vilma Santos at Luis Manzano

TAWA kami nang tawa habang pinanonood ang nakaka-good vibes na Facebook at Instagram Live session ng mag-inang Vilma Santos at Luis Manzano.

Nakasama rin dito ang misis ni Luis na si Jessy Mendiola at ang isa pang anak ni Ate Vi na si Ryan Christian Recto kaya mas naging entertaining pa ang kanilang video.

Talagang game na game ring nakipagkulitan at nakipagbalahuraan ang kongresista kay Luis. May mga pagkakataon pa na nahahampas ni Ate Vi ang anak dahil sa kalokohan nito.

“Papaligayahin lang namin kayo ngayong gabi,” ang pahayag ni Ate Vi sa mga nanonood sa kanila sa FB at IG.

Hirit naman ni Luis, “Magpapakita ako ng nipple, kung ano ang gusto ninyo. Pili na muna kayo, kaliwa o kanan?”

Biro pa ng TV host-actor nang  umabot na sa 4,500 ang nanonood sa kanilang live session, “Dyusko ko, kung cash lang iyan, tiba-tiba na ako! Sige nga, magbigay kayo, tigpipiso lang, guys!”

Super clap naman si Ate Vi dahil sa dami ng nanonood at nagko-comment sa kulitan at chikahan nila. Dito bigla namang nagsabi si Jessy kay Luis ng, “Akala ko ba, magpapakita ka ng right or left nipple?”

Sey naman ni Ate Vi, “Huwag naman!” Dugtong pa ng actress-politician, “Alam niyo kung bakit kami masaya? Kasi po, since yesterday na nag-umpisa ang ECQ natin, magkakasama po kaming pamilya.

“Nandirito po kami sa bahay para kahit paano ay meron naman kaming bonding,” kuwento pa ng Star For All Seasons.

Hirit uli ni Luis kay Ate Vi, “Actually, matagal ko nang hindi nakikita si Mommy. Huli kong kita, maliit pa siya. At heto pa ‘yan, walang nagbago!” 

Niyakap naman ng award-winning actress si Luis at tumatawang nag-dialogue ng, “At maliit ka pa rin! Ha-hahaha!”

Nag-sorry naman si Ate Vi dahil sa mga hirit na biro ni Luis. “Pero sa totoo lang, sa totoo lang, kahit paano,” ang biting pahayag ng aktres sabay malambing na suntok sa anak.

Sabi naman ni Luis, “Bakit nagkakasakitan tayo dito?!”

Chika ni Ate Vi, “Sa totoo lang, emosyonal na tao iyan. Pero lahat ng sasabihin niya, parang… parang biro. Di ba, ‘no?” sabay tingin kay Jessy.

Pero sey ni Luis, talagang madali raw siyang umiyak na sinagot ni Ate Vi ng, “Saka pangit siyang umiyak!”

“Wow! Account ko, binabastos ako sa account ko, guys! E, di gumawa ka ng sarili mong account!” hirit naman ni Luis sa kanyang nanay na tawa nang tawa habang ginagaya pa kung paano umiyak sa TV ang anak.

“Wow! Walang respeto sa account ko, guys!” ang kunwari’y nao-offend na sey ni Luis. Na sinagot pa rin ni Ate Vi ng, “Hindi ka magandang umiyak, anak.”

Halos maiyak na sa katatawa sina Jessy at Ate Vi sa mga punchline ni Luis. At habang aliw na aliw ang dalawa sa mga paandar ng TV host, may binasa kunwari si Luis na tanong para sa ina. 

Aniya, totoo raw ba na ang kongresista ang gaganap sa pelikulang “Kunin Mo Ang Bala Sa Tuktok Ng Ref.” Sagot naman ng aktres, ang gagawin daw niyang movie ay may titulong “Kulay Nana Ang Gabi.”

Sagot ni Luis, “Maganda yun! I think, yung Kulay Nana Ang Gabi, yun ang part 2 ng Tanging Yaman.”

Sa huli, ipinagdiinan ni Ate Vi na biruan lamang ang napanood ng mga netizens sa kanilang FB at IG live kaya hindi dapat seryosohin. Mukhang nagpauna na ang veteran actress sa mga netizens na balak mam-bash sa kanila.

The post Ate Vi sinabihan si Luis na ang pangit umiyak sa TV: ‘Wow! Walang respeto sa account ko, guys!’ appeared first on Bandera.

No comments:

Powered by Blogger.