Ex-BIGBANG member Seungri makukulong ng tatlong taon
SINENTENSYAHAN ng South Korean Military ang ex-Big Bang member na si Seungri ng tatlong taong pagkakakulong noong Huwebes, Agosto 12.
Ayon sa report mula sa Yonhap News Agency, hinatulan siya ng multiple charges including prostitution mediation, and overseas gambling.
Ayon rin sa report, iaatasan ng korte ang agarang pagkulong sa ex-Big Bang member.
Naging sentro ng pagsisiyasat si Lee Seung-hyun o mas kilala bilang Seungri nang masangkot ito sa “Burning Sun Scandal” noong 2019.
Ang “Burning Sun Scandal” ay isang entertainment at sex scandal kung saan sangkot ang maraming high-profile personalities mula sa mga kilalang K-Pop idols hanggang sa mga high-ranking officials na nagaganap sa Burning Sun club kung saan Public Relations Director si Seungri.
Pebrero 2019 nang maglunsad ng imbestigasyon ang Seoul Police Department dahil sa mga alegasyon ng pag-ooffer ni Seungri ng mga prostitutes sa mga investors ng Burning Sun.
Pinabulaanan naman ito ng YG Entertainment, agency ng Big Bang. Ayon sa kanila, gawa-gawa lamang ito.
Agosto 2019 naman nang ipinatawag si Seungri ng mga pulis para kwestiyunin sa pagkakasangkot nito sa illicit overseas gambling.
Ayon naman sa Soompi report noong Setyembre 2020, umamin si Seungri sa isa sa walang charges laban sa kanya noong unang hearing.
“We deny all charges except his violation of the Foreign Exchange Transition Act,” saad ng kampo ni Seungri.
Ang walong charges na ibinabato sa kanya ay purchase of prostitution services, prostitution mediation, embezzlement, violation of the Act on the Aggravated Punishment, etc. of Specific Economic Crimes, violation of Food Sanitation Act, habitual gambling, violation of the Foreign Exchange Transition Act, at violation of the Act on Special Cases Concerning the Punishment, etc.
Patuloy namang dineny ni Seungri ang lahat ng mga akusasyon laban sa kanya.
Marami naman ang umalma nang malaman ang naging ang sentensya ng Korean actor.
Ayon sa mga fans na sumubaybay sa kanyang kaso, hindi sapat at walang solidong ebidensya para patunayan ang lahat ng akusasyon laban sa kanya.
Taong 2006 nang mag-debut bilang member ng Kpop boy band group na BigBang. Taong 2019 naman nang magdesisyon itong mag-retire sa showbiz kasunod ng kontrobersya na kinasangkutan.
The post Ex-BIGBANG member Seungri makukulong ng tatlong taon appeared first on Bandera.
No comments: