‘Family History’ hataw sa Netflix, may part 2 na; Ruru binago ang diet at workout
Dawn Zulueta, Michael V at Ruru Madrid
PATULOY na pinupusuan ng mga manonood ang “Family History”, ang directorial debut film ni multi-awarded comedian and content creator Michael V.
Ito’y matapos ngang mapasama ang nasabing pelikula sa Top 10 trending movies and series sa streaming platform na Netflix Philippines.
Una itong napanood sa mga sinehan taong 2019 na umani ng positive feedback mula sa viewers and critics. At ngayon nga ay available na rin ito sa Netflix.
Sa kanyang panayam sa GMA, excited si Michael V. na mas marami pa ang makakapanood sa “Family History” dahil tiyak na magkakaroon daw ito ng panibagong kahulugan sa ngayon.
Aniya, “Especially nu’ng nangyari ‘yung pandemic. A lot of people probably didn’t think na it will hit them close to home.
“Pero after nu’ng mga nangyari na may mga kaibigan tayo, may mga kamag-anak tayo na nawala and then you realize the value, the lesson nung movie. ‘Yun ‘yung gusto ko talaga iparating,” paliwanag ni Bitoy.
Ang “Family History” ay tungkol sa mag-asawang Alex (Michael V.) at May (Dawn Zulueta) na masusubok ang pagsasama nang tamaan si May ng isang sakit.
Kasama rin sa pelikula sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, John Estrada, Paolo Contis, Ina Feleo, Kakai Bautista at Nonie Buencamino.
Samantala, kinumpirma rin ni Bitoy na pinaplano na nila ng kanyang asawang si Carol Bunagan (executive producer) ang posibleng sequel ng “Family History”.
“Funny you ask that kasi. Ha-hahaha! Noong una wala, e, sabi ko Family History is Family History.
“Tapos na yung kuwento, pero nag-uusap kami recently ni misis, ni Ayoi (Carol Bunagan, executive producer), kasi kasama siya sa nag-produce. She came up with an idea na I’d love to share with you guys. So yes, I will do it,” pahayag ni Bitoy.
* * *
Marami ang nagulat nang bigla na lang nawala ang laman ng Instagram account ng Kapuso actor na si Ruru Madrid. Ayun naman pala, magkakaroon ito ng isang transformation.
At dito rin ipinakita ni Ruru ang kanyang leaner physique.
Ang transformation ni Ruru ay kasama sa paghahanda niya sa upcoming Kapuso primetime series na “Lolong” na ongoing na ang lock-in taping.
“Si Lolong, nagtatrabaho siya sa bukuhan. Nagtatrabaho siya sa niyugan, umaakyat siya lagi sa puno, nangingisda siya.
“Doon sa lugar nila, hindi naman siya nagdyi-gym. That’s why I changed my diet din dito sa ‘Lolong.’ Binago ko rin ‘yung pagwo-workout ko,” ani Ruru.
Makakasama rin niya sa GMA Public Affairs series na ito sina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, at Jean Garcia.
Kaabang-abang din ang roles nina Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, at Ian de Leon. Kasali rin sa cast sina Mikoy Morales, Paul Salas, DJ Durano, Marco Alcaraz, Maui Taylor, Priscilla Almeda, at Leandro Baldemor.
Abangan ang tinaguriang dambuhalang action-adventure series ng taon, ang “Lolong” na mapapanood na very soon sa GMA.
The post ‘Family History’ hataw sa Netflix, may part 2 na; Ruru binago ang diet at workout appeared first on Bandera.
No comments: