Jak Roberto sugatan ang kamao sa taping; Matt Lozano, Radson Flores todo training na para sa ‘Voltes V’

Jak Roberto, Matt Lozano at Radson Flores

TODO at puspusan na ang paghahanda nina Matt Lozano at Radson Flores para sa nalalapit na lock-in taping ng much-awaited GMA series na “Voltes V: Legacy.”

Nagte-training na si Matt sa paggamit ng bo staff, ang sandata ng kanyang karakter na si Big Bert. Kumuha naman ng extra lesson si Radson sa horseback riding para sa kanyang role na si Mark Gordon.

Ayon kay Matt, “Gusto ko pagdating sa set, handa ako. Nagte-training ako ngayon ng mga stunts ng bo staff, para pagdating sa set, handang-handa ako hindi lang sa pag-arte.”

Kuwento naman ni Radson, “Kailangan, kumbaga parang sumasayaw kayo nu’ng kabayo, parang kailangan hindi kayo magkakatapakan ng paa, same kayo ng rhythm, momentum at ‘yung balance.”

Makakasama rin nila sa inaabangang “Voltes V: Legacy” sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, at Raphael Landicho bilang John “Little Jon” Armstrong.

* * *

Punumpuno raw ng emosyon ang mga eksena ni Kapuso actor Jak Roberto para sa upcoming GMA series na “Stories From The Heart: Never Say Goodbye.”

Sa sobrang intense nga raw ng isa sa mga eksena kasama ang co-star na si Klea Pineda ay napalakas ang suntok ni Jak at nagkasugat ang kanyang kamao.

“Kailangan magalit ako sa character ni Klea, kay Joyce. So halo-halong galit, frustration, betrayal. Ganu’n ‘yung nangyari kaya kailangan kong ilabas ang lahat,” pahayag ng hunk actor.

Bukod kina Jak at Klea, bibida rin sa serye ang nagbabalik-telebisyon na si Lauren Young at beteranang aktres na si Ms. Snooky Serna.

May napansin naman si Snooky sa kanyang mga co-stars, “Iba talaga ang vibe ng mga kabataaan ngayon pero ‘yung professionalism, nandoon. And ‘yung joy for taping, nandoon.”

Abangan ang “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” soon sa GMA 7.

The post Jak Roberto sugatan ang kamao sa taping; Matt Lozano, Radson Flores todo training na para sa ‘Voltes V’ appeared first on Bandera.

No comments:

Powered by Blogger.