Hidilyn: Aaminin ko nabuhay ako with doubts, takot at anxiety sa puso ko…

Hidilyn Diaz

INAMIN ng Filipina weightlifting champion na si Hidilyn Diaz na totoong nagkaroon siya ng agam-agam, takot at pagdududa sa buhay mula noong magkaroon ng pandemya.

Sa pagtatapos ng Tokyo 2020 Olympics last Sunday, binalikan ng kauna-unahang Filipino Olympic gold medalist ang naging journey niya sa pakikipaglaban para sa Pilipinas.

Ayon kay Hidilyn, tulad ng karamihan talagang inatake rin siya ng matinding anxiety nang magsimula ang lockdown sa halos lahat ng bahagi ng mundo dulot ng COVID-19 pandemic.

“Thank you God sa lahat, aaminin ko nabuhay ako with doubts, takot, at anxiety sa puso ko simula nun lockdown last March 2020 hanggang sa matapos laro ko nun July 26, 2021,” ang bahagi ng caption ni Hidilyn sa ipinost niyang litrato sa Instagram.

Aniya pa, “Ang daming nangyari sa buhay ko at sa buhay natin lahat na binago ng pandemic di natin sukat akalain matutuloy ang Olympics at di natin sukat akalain maiuwi ko ang gold medal para sa Pilipinas, basta ‘wag tayo sumuko laban lang sa buhay. Kaya natin to!” 

Kasunod nito, muling nagpasalamat ang weightlifting champ sa lahat ng mga tumulong at sumuporta sa kanyang Olympic journey, “Thank you Japan, @olympics @olympic.ph @phil.sportscommission #SWP @philippineairforce #TeamHD and private sponsors @mvpsfph @alsonspower Filipino community and Malaysian friends and family who helped us in Malaysia @janius5.11 @official_mswp.wipers for making it happen.

“Kahit maraming tumutol pinakita ng Japan kaya nila i-host ang Olympics, napatunayan nila na kaya basta sama-sama tayo. Thank you @tokyo2020 di kita makakalimutan.” 

Nauna rito, ibinandera rin ni Hidilyn sa buong universe na hanggang ngayon ay feeling nasa Cloud 9 pa rin siya dahil sa tagumpay na natamo at sa karangalang naibigay niya sa Pilipinas.

“Di ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa Olympics.

“Di ako makapaniwala na matutuloy ang Olympics.

“Di ako makapaniwala na nandito ang TeamHD.

“Di ako makapaniwala na Gold Medalist ako sa Olympics.

“Kung ako lang ito, di ko ito magagawa parang impossible. Salamat God sa pagdala ng mga tao, government support, private support, pamilya, kaibigan at prayer warriors para magawa ko ito at maging possible.

“Jesus looked at them and said, ‘with man this is impossible, but with God all things are possible’ Matthew 19:26,” pahayag pa ng Pinay champ.

Tuluy-tuloy pa rin ang pagdagsa ng cash reward at iba pang regalo para kay Hidilyn dahil sa pagiging Olympic gold medalist. Balitang nakuha na niya ang isang bonggang kotse at 2-bedroom condo unit mula sa mga private companies.

The post Hidilyn: Aaminin ko nabuhay ako with doubts, takot at anxiety sa puso ko… appeared first on Bandera.

No comments:

Powered by Blogger.