Hirit ni Willie kay Kris: Tumigil ka na nga! Nakakahiya yung ginagawa mo!

Willie Revillame at Kris Aquino

NAPAILING ang taong malapit kay Willie Revillame nang indirect na inanunsyo ni Kris Aquino ang plano ng una sa 2022 elections. Inunahan daw kasi ng Queen of All Media ang “Wowowin” host.

Naunang sabi ni Kris na sobra siyang nagpapasalamat kay Willie kaya naman sobrang suportado niya ito anuman ang gawin nito sa buhay niya.

Kaninang tanghali sa live TV event ng isang online shopping app ay si Kris ang guest-co host ni Willie na umere sa GMA 7.

“Way before Shopee came into our lives, way before anything else happened, he really wanted to give me a chance to get a comeback.

“So kung ano man ang magiging landas na tatahakin ni Willie, kung saan man siya pupunta, he can count on me to be there for him kung saan man ‘yun. He has my love, my support. Hindi ko alam kung pwedeng sabihin boto, pero sa kanya ako,” dire-diretsong sabi ni Kris.

Inunahan na raw umano ng mama nina Josh at Bimb ang anunsyo ni Willie kung ano ang final answer niya sa gaganaping eleksyon sa 2022.

At habang on-going ang programa ay napansin ni Kris na pawis na pawis si Willie kaya pinunasan niya ito sa noo, bagay na ikinagulat ng huli.

“Saglit lang, bakit walang nag-aalaga sa yo. Pawis na pawis na si Willie. Hindi niyo siya pinupunasan. Nababaliw ako sa iyo. Dapat inaalagaan ka, pinababayaan ka!” pahayag ni Kris.

Umiwas naman si Willie kay Kris at sabay sabing, “Hindi po kami AlDub. Lolo na ako. Magiging lola ka na rin.”

“Of course not! Matagal pa yun!” sagot kaagad ni Kris.

“Tumigil ka na nga! Nakakahiya yung ginagawa mo!” sabi ulit ni Willie dahil talagang sinusundan siya ni Kris kahit lumalayo na.

“Pinupunasan ka lang. ‘Wag mong lagyan ng meaning,” paalala ni Kris.

Hirit ni Willie, “Bakit kailangan mo akong punasan?”

“At least, inaalagaan ka! Ayaw mo ba yun?” nakangiting sambit ni Tetay.

Katwiran ni Willie, “Hindi ako sanay ng inaalagaan ako. Inaalagaan ko sarili ko.”

“Okay, bahala ka! Your loss!” saad ng co-host niya.

Nag-viral ang video ng senaryo nina Willie at Kris at marami naman ang boto sa kanila.

Paliwanag naman ni Kris sa social media account niya, “Sorry, I’m just being naughty, sinabi ko naman kasing ‘wag akong seryosohin- pero obvious naman na kinilig… 

“But in all sincerity, straight from my heart THANK YOU Willie- for your generosity and for really taking care of me (rehearsals pa lang kagabi- ilaw, music, camera angles, audio, and pati graphics talagang tinutukan n’ya).

“Like I said you have my lifelong gratitude and support because when you didn’t have to, naging napakabuti mo sa ‘min nila Kuya Josh & Bimb. For the 3 of us #ikawnanga,” aniya pa.

* * *

Mas marami nang pagkakataong manalo ng papremyo sa “Madlang Pi-Poll” dahil buong linggo nang mapapanood ang kinagigiliwang unang interactive game segment sa telebisyon sa “It’s Showtime” simula ngayong Lunes (Agosto 9).

Patuloy na dumarami ang sumasali sa live game mula sa buong bansa na umabot sa 62,665 home viewers nitong Sabado (Agosto 7), habang tatlo naman sa kanila ang naghati-hati sa premyong P70,000.

Sa “Madlang Pi-Poll,” maaaring makisagot ang viewers sa mga tanong at manalo ng mga papremyo gamit lamang ang kanilang laptop o mobile device. Para sumali, mag-log in sa www.joinnow.ph/showtime o i-scan ang QR code na ipapakita ng hosts sa screen habang nakatutok sa “Madlang Pi-Poll.”

Maaaring maglaro ang lahat ng Filipino citizen na kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas na 18 taong gulang at pataas, at may valid ID na sumali sa game. Para naman makapasok sa raffle draw at manalo ng papremyo, kailangang ibigay ang buong pangalan, address, edad, phone number, at e-mail address sa registration form na makikita pagkatapos sagutan ang huling tanong sa laro.

Iparinig ang boses at manalo ng papremyo sa pagsagot ng “Madlang Pi-Poll” tuwing tanghali mula Lunes hanggang Sabado sa “It’s Showtime”.

The post Hirit ni Willie kay Kris: Tumigil ka na nga! Nakakahiya yung ginagawa mo! appeared first on Bandera.

No comments:

Powered by Blogger.