John kay Derek: Kung ganu’n lang ang tingin niya sa pagkakaibigan namin wala na akong magagawa


OFFICIAL YouTube vloggers na ang soon-to-be-married couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Ni-launch na ng dalawa ang kanilang first vlog kahapon kung saan ipinasilip nila kung paano nagsimula ang kanilang road-to-Mr.-And-Mrs.-Ramsay pati na ang nangyari sa surprise birthday party ni Ellen.

Ang inaakalang simpleng araw ni Ellen ay siyang magiging isa sa mga pinaka-memorable para sa aktres.

Sa una ay may palaro para sa dalawa hanggang sa mauwi sa rooftop kung saan may pa-birthday set up si Derek.

Isa pa ngang pasabog ay ang biglaang pagpo-propose nito kay Ellen na talagang nagpasaya sa aktres.

Marami namang netizens ang natuwa sa shinare ng love birds. Pati nga rin ang mga kaibigan ng mga ito ay hindi napigilan ang saya para sa dalawa.

Comment ni Jackie Foster, “You’re a good man @ramsayderek07 prayong for all that is good to surround you and your new life bud! Yey for the next chapter.”

Sa kabila ng sweetness overload ng dalawa, matatandaan na nasangkot ito kamakailan sa kontrobersya nang diumano’y nag-walkout raw si Ellen sa last taping day ng “John en Ellen”.

Matapos ang ilang araw na pambabatikos ay nagsalita na si Derek tungkol sa isyu.

Sa panayam nito kay Ogie Diaz, nilinaw niya ang lahat ng akusasyon laban sa soon-to-be-wife niya. Ikinagulat rin ng netizens ang pag-amin nito na friendship over na sila ng isa sa mga matatalik na kaibigang si John Estrada.

“Hindi ko siya kaaway. Hindi ko siya kaibigan. He’s no longer a friend of mine. I just don’t want to associate myself with John,” saad ni Derek.

Kasunod nito, marami ang nanghinayang sa pagkakaibigan ng dalawa. Isa pa, si John ang dahilan kung bakit nagkakilala si Ellen at Derek.

Nang hingan naman ng panayam si John ukol sa naging pahayag ni Derek sa kanya, ang tanging nasabi lang nito ay, “Kilala mo ko, matagal na. So yun na lang yun.

“Six years din yung friendship namin pero ganu’n talaga. Itinuring ko siyang parang kapatid ko. Pero kung ganu’n lang ang tingin niya sa pagkakaibigan namin. Wala na akong magagawa du’n,” saad nito sa text message kay Ogie.

Hiling naman ng talent manager na sana ay magkaayos ang dalawa dahil hindi biro ang naging samahan nito.

Mukhang moving on naman na si John na recently ay nag-post ng picture nila ng kanyang pamilya na may caption na, “HAPPINESS DOES NOT LEAVE SCARS. Be happy everyone.”

The post John kay Derek: Kung ganu’n lang ang tingin niya sa pagkakaibigan namin wala na akong magagawa appeared first on Bandera.

No comments:

Powered by Blogger.