Kitchie Benedicto pumanaw na sa edad na 74
PUMANAW na ang beteranong TV producer at director na si Kitchie Benedicto.
Ayon sa mensahe na ipinadala ng anak nitong si Tintin, namayapa raw ang ina noong August 5, 11:15pm, kapiling ang mga anak at apo sa tirahan nito sa Pasig.
Nakilala ito sa pagpo-produce ng long-running weekly musical variety show na “Superstar” ni Nora Aunor, “John and Marsha” na pinagbidahan ng mga namayapang Dolphy at Nida Blanca, “VIP (Vilma In Person) ni Vilma Santos”, “Pipwede” ni Tirso Cruz III, “Kaluskos Musmos”, “Two Plus Two”, at marami pang iba.
Marami sa mga kilalang personalidad at mga nakasama sa industriya ang nag-abot ng mensahe ng pakikiramay para sa pamilya sa ng veteran producer-director.
“12 years ago, you discovered my singing and encouraged me to join my first ever international competition in the US.
“We won the grand title until Ellen DeGeneres called you for an invitation to her show. I miss seeing your happy face whenever we receive good news from people. Thank you for believing in me.
“To my former talent manager, Ma’am Kitchie Benedicto – Paulino, I’ll be forever grateful with everything that you did to me and my family.
“I love you, Tita Kitchie.
We will miss you,” mensahe ni Rhap Salazar para sa dating talent manager.
“Ang aking taimtim na panalangin at pakikiramay sa pamilya ni Tita Kitchie Benedicto.
Sobrang lungkot ko nung nabalitaan kong iniwan mo na kami Tita Kitchie. I just greeted you Happy Birthday a few weeks ago, and I should’ve known something was not right when you didn’t reply to me.
I will remember you as the charming, loving, emphatic, and always jolly person whose joy and positivity was so infectious.
Ramdam namin ang iyong pagmamahal throughout all these years. Isa ka sa tumatak sa aking buhay, at nagpakita sa akin kung ano ang tunay na kaibigan.
Sigurado akong nagluluksa kaming lahat ng iyong mga anak-anakan at ngayon pa lang ay miss ka na namin.
Rest well in the peace of our Creator Tita Kitchie. Love you always,” pakikidalamhati naman ni Sen. Bong Revilla.
Isa naman sa lubos na nagluluksa ngayon ay ang beteranang aktres at tinaguriang bilang “Superstar” na si Nora Aunor.
“Ako po ay lubos na nagdadalamhati sa pagpanaw ng aking kaibigan na si Ate Kitchie Benedicto.
“Sila po ng pamilya niya ang isa sa may-ari ng KBS network kung saan sila po ang naging producer ng Superstar show ko na nagtagal ng 22 years, at ang Makulay na Daigdig ni Nora na isang drama anthology.
“Masasabi ko pong isa siya sa mga naging dahilan kung bakit tumagal ng mahabang panahon ang akin pong mga programa na minahal ng sambayanang Pilipino, tinangkilik ng mga advertisers at pinarangalan ng iba’t ibang award-giving bodies.
Matatandaan na hindi lang naging magkatrabaho ang dalawa bagkus naging matalik na magkaibigan sa tagal ng pagsasama sa industriya.
“Isa rin si Ate Kitchie sa mga saksi at promotor nang ikasal kami ni Christopher de Leon sa beach nila sa La Union, kung saan ay naging ninang namin si Direk Lupita Kashiwahara dahil siya ang kasalukuyang direktor noon ng Makulay na Daigdig, at saka si Ninang Charito Solis.
“Higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kanya. Alam na alam niya kung may problema ako, masaya, malungkot at may sakit.
Pag-amin pa ng aktres, marami siyang naging pagkukulang rito.
“Saan man siya naroroon ngayon, gusto kong humingi ng tawad.
“Kasama siya sa aking mga dasal. Ayokong isipin na wala na siya. Gusto kong buhay pa rin siya sa aking alaala.
“May she rest in peace at nawa’y magsilbing inspirasyon ang mga magagandang alaalang naiwan niya sa kanyang pamilya, mga nakatrabaho at mga kaibigan.”
The post Kitchie Benedicto pumanaw na sa edad na 74 appeared first on Bandera.
No comments: